ANG HINDI PAGTUTOL SA CORRUPTION SA GOBYERNO AY PAKIKIAYON SA NAKAWAN AT PAGPAPAHIRAP NG BAYAN

By Maria Lourdes Sereno

August 17, 2021

Maria Lourdes Sereno
Ang Kristiyano ang dapat na nagsisilbing preservative ng kabutihan ng lipunan (salt nga tayo) at tagapagbigay liwanag sa madidilim na sulok ng bayan (at light pa diba?).Kaya’t ang command sa atin ay ilagay ang ilaw on top of the hill, where darkness and the evil deeds it encourages are displaced by Christian light (Matthew 5:13-16).

Kinamumuhian ng Diyos ang corruption.

Isang magandang working definition ng corruption ay: “A dishonest or criminal offense undertaken by a person or organization entrusted with a position of authority, in order to acquire illicit benefits or abuse power for one’s private gain (World Bank).” Ang nangyayari ba sa DOH ay corruption? Ano ang sinasabi sa Bibliya dito?

Ang bribery po ay nakaka-blind daw ng mga tao, pati salita nila ay matatabingi, at hindi magkakaroon ng tunay na katarungan hanggat may bribery (Exodus 23:8, Deuteronomy 16:19, Proverbs 17:23). Eventually, bribers and the corrupt turn to murders. The converse is true, murderers turn to bribery and corruption para pagtakpan ang krimen nila.

Sabi ni Solomon at ni Jeremiah, walang kahihinatnan ang bribery at corruption. Ito ay trap sa corrupt, and eventually he will end with nothing. Ang ugat nito ay kasakiman (Proverbs 15:27, 17:8, 22:16, Jeremiah 17:11).

Ang pinakanasasaktan sa corruption sa Pilipinas ay ang mga mahihirap. To love our fellowmen, which is the second greatest commandment, means we must hate corruption. Hindi po pwedeng kibit-balikat na lamang tayo. Kailangan i-denounce, imbistagahan at parusahan ang mga magnanakaw ng kaban ng bayan! Kasama ito ng pagiging Christian light-bearers natin.

SHARE