BRIDGE-BUILDERS PO TAYO NGAYON

By Maria Lourdes Sereno

Nagnakaw ang pamilya Marcos
Alam na ng Taumbayan ang katotohanan: nagnakaw ang pamilya Marcos. Kaya’t lahat na lang ng tumbling at hysterical iyak ang maririnig mo mula sa followers nila. Kaya rin parating no-show si Bongbong sa lahat ng event na pwede niyang harapin ang tanong ukol sa NAKAW NA YAMAN NILA.

Next po sa AGENDA NG NATION-BUILDING ay MAG-BUILD NG BRIDGE OR WALL OF LOVE AND TRUTH SA MGA NABUDOL. Kailangan pong ipagdasal at pag-isipan ito nang maigi, sapagkat napakarami na ang gustong bumalik sa liwanag.

Ang bridges na kailangang nating i-build:
  1. MULA HOPELESSNESS, TO HOPE IN GOD;
  2. MULA UNJUST KILLINGS, TO LIFE AND SECOND CHANCES FOR EVERY FILIPINO;
  3. MULA HELPLESSNESS OF A COMMUNITY RELYING ON BRUTAL POLICE OPERATIONS, TO EMPOWERED COMMUNITIES;
  4. FROM TOLERATING LIES FROM GOVERNMENT, TO EXACTING ACCOUNTABILITY FROM ALL LINGKOD-BAYAN

 

Everyone has a chance to go back and seek GODLY GOVERNANCE—iyung may katarungan at makatao ang pakikitungo sa kapwa, may takot sa Diyos, at tapat ang pagsunod sa Konstitusyon at batas.

Panahon na upang yayain ang lahat pabalik sa Diyos at sa Kabutihan. Hikayatin ang lahat na iwanan na ang masasamang pulitiko. Kapag utak at asal-hari ang isang kandidato, pakalayu-layuan na po natin. Lalo na kung ubod ng sinungaling at mambubudol.

Oras na para palayain ang Pilipino sa mapagmanipulang pulitika sa bansa.

Integral Faith
SHARE