ANG KULTO NG RELIHIYON AT PULITIKA

EZEKIEL’S WARNINGS TO FALSE PROPHETS AT MGA KULTO: ANO BA DAPAT ANG RESPONSE NG CHURCH LEADERS? NAGIGING IRRESPONSIBLE SHEPHERDS NA RIN BA SILA FOR TEACHING IN A WAY THAT ENABLES CULTS TO FLOURISH IN THE PHILIPPINES?

By Maria Lourdes Sereno

February 6, 2022

Maria Lourdes Sereno

Kahapon ay ibinalita ang paglabas ng US FBI WANTED AD kay Apollo Quiboloy, ang pinuno ng isang religious organization na pinangalanan niyang “Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name.” Wanted siya sa sex trafficking, ang krimen ng sexual na paggamit ng mga babaeng miyembro ng samahan nila. Wanted din siya sa financial fraud. Nagsimula daw po si Quiboloy bilang miyembro ng isang pentecostal church, then later nagtatag siya ng sariling religious organization.

Hindi ito ang unang engkwentro natin sa kahindik-hindik na krimen ng mga religious leaders. Ang hudikatura at kapulisan ay nahirapan ng dalawang dekada na i-address ang krimen ng pagpatay ni Ruben Ecleo Jr. Si Junior ang tagapagmana ng isang religious group registered in 1963, ang “Philippine Benevolent Missionaries, Inc.” na itinatag ni Ruben Ecleo Sr. Ang Ecleo clan ay naging political clan din, congressional representatives at mga mayor ang mga kaanak nila. Matindi ang hawak nila sa pulitika at religious followers nila.

Noong 2002, natagpuan ang bangkay ni Alona Bacolod, ang misis ni Ruben Jr. na congressman din noon representing Dinagat Islands. Si Ecleo Jr. ang prime suspect. Upang i-effect ang warrant of arrest, nag-hold-out si Ecleo Jr. sa kanilang headquarters na mansyon sa Dinagat Islands. Hindi siya sumuko sa police authorities. Bumalik ang mga pulis, this time, kasama na nila ang mga sundalo ng Army’s 20th Infantry Battalion at dalawang helicopter support. 2,000 supporters resisted the police and some started a shoot-out with them. Disisyete o 17 ang patay, 16 followers ni Ecleo, Jr. at isang pulis. Sumuko si Ecleo Jr., nagpiyansa ng PhP 1 million matapos ang arraignment, at later on ay hindi na nagpakita sa korte, tumakas. Gayunpaman, nanalo pa rin si Ecleo, Jr. bilang congressman noong 2010.

After 10 years or in 2012, nahatulan na guilty ng korte si Ecleo Jr. for the murder of his wife. Nailipat na noon sa Cebu ang trial niya dahil kilalang rabid ang followers niya. Maging ang mga magulang ni Alona ay namatay sa pamamaril noong 2002 ng hinihinalang follower ni Ecleo Jr. Kinailangang hanapan pa ng security measures ang huwes na naka-assign sa kaso ni Ecleo Jr. sa Cebu dahil sa danger sa paghawak ng kasong iyun. Alam ko po ang security threat sa judge na ito kasi ako na po ang Chief Justice noon.

Nahatulan man ng guilty noong 2012, year 2020 lang nadakip ng police authorities si Ecleo Jr. na nagtatago sa Pampanga using a false identity. Namatay siya last year from cardio-pulmonary arrest while in prison.

Ang facts ay magandang gawing batayan ng Sunday Reflections sapagkat ang pananampalatayang itinuro sa atin ni Kristo ay nakatuntong sa lupa habang pinag-uusapan natin ang Kingdom of God. Bilin nga sa atin ni Kristo, manalangin at kumilos upang ang kalooban at Kingdom ng Diyos Ama ay masunod at manahan sa lupa, gaya ng sa langit.

Ang SUNDAY REFLECTION natin: Ang kulto ng relihiyon at pulitika ay malaking pwersa ng kadiliman sa ating bansa. Ano ang preaching natin sa Sunday upang ang bansa natin ay makawala mula sa pagkagapi sa combined forces ng cults and bad politics? Kapag isinusulong natin ang twisted interpretation ng Romans 13:1-2, hindi ba ang mas pinapalakas natin ay ang mga kulto na sunod lang nang sunod sa leader, kahit evil na ang ipinapagawa? Bakit takot na takot ang ibang mga religious leaders na sabihin na dapat ay sa katotohanan lang tayo manindigan as Jesus said? Ayon kay Jesus, sa katotohanan dapat nagsisimula ang pag-seek ng freedom. “You shall know the truth, and the truth shall set you free” (John 8:32).

Bakit hindi takot si Jesus sa full discussion ng truth?

Dahil kahit anong pagsisiyasat mo sa Kaniyang Salita, malinaw na lalabas ang umaapaw na pag-ibig Niya sa mga tao at ang paghahangad Niya ng kalayaan nila, na kalakip pa ang katarungan na manggagaling sa Kaniya. Ang ganda, ano po? Jesus is the source of freedom, He is the opposite of the slavery and oppression that cults promote. Nakakalungkot na ang ibang mga pulitiko, ang hinahanap ay ang favor ng cult leaders at hindi ni God. Bakit po nangyari ito? Ano ang maaaring gawing pagbabago ng mga tunay na followers ni Jesus?

Lord, grant that Your Holy Spirit will move those who are faithful to Your Word, especially their leaders, to repent, proclaim and so move that the evil partnership between religious cults and corrupt politicians will end in our country.

Note: Nasa Ezekiel 13:1-22 ang warning sa false prophets. Sa Ezekiel 34:1-10 naman po ang warning ni Ezekiel sa irresponsible shepherds. Pakibasa po. 

SHARE