TRADITIONAL POLITICS NA KAILANGANG BALIGTARIN NG TAUMBAYAN—ANG “TOP-DOWN POLITICS”
By Maria Lourdes Sereno
Isang dahilan kaya hindi lumalakas ang accountability at corrupt pa rin ang maraming pulitiko ay ang sistema ng “top-down politics.” Ito ang sistema kung saan kailangan lang kuhanin ang loyalty—usually gamit ang pera at pangako ng greater power—ng mga governors, mayors, congressmen, barangay captains, even SK chairpersons. Sila at iba pang considered na “power brokers” sa isang area lang ang lalapitan ng tauhan ng isang national candidate, at yun, sa tingin ng kandidato, panalo na sila! Ganun din ang approach ng mga naniniwala sa bad traditional politics sa mga church leaders na may reputasyon ng command o bloc votes.
At dahil dyan, pera-perahan ang naging approach for a long time sa mga eleksyon. Panahon na para baligtarin ng taumbayan ang masamang gawaing iyan.
This time, dapat ang taumbayan ang kakausap sa mga governors, mayors, congressmen at barangay chairpersons. Isama na ring kausapin ng taumbayan ang mga taong simbahan—na kung sino lang daw ang sinabi o iutos ng church leader na iboto ay required na iboto ng church members, kahit walang moral justification.
Sa tingin ko po, kung ang mga community at youth leaders ay kakausapin ang mga tinatawag na “power brokers” sa mga electoral areas, magbabago ang direksyon ng pulitika mula sa self-interest at dynasty-promoting, to a more people-centered politics. Ipakita po natin na ang taumbayan na naghahanap ng mabuting pamumuno is an organized force na lalaban sa masamang pulitiko.
Isipin niyo po, kung napakarami niyo, physically at via socmed, ay ipaabot ang mga gaya nitong mga posisyon na paninidigan niyo, sa mga tinatawag na local “power brokers”:
- Gusto niyo yung accountable, principles-based, at heavily value-laden politics. People-centered and rules-based governance, hindi palakasan.
- Ayaw niyo ang mga anay at nagpabagsak ng bansa – mga sinungaling, magnanakaw at mamamatay-tao.
- Titingnan niyo at sasama kayo sa pangangampanya sa local politics, at isang major criterion niyo ay kung paano ng mga local candidates tinutulungan ang good versus bad national politics.
Panahon na for the local power brokers to be accountable to the people. Kung sila ay nagpo-promote ba ng bad national leaders o kaya ay tinitindigan nila ang katotohanan at kabutihan.
This time, baligtarin natin ang history ng bad politics sa bansa, #TaumbayanNaman na gusto na ang pamamahala sa bansa ay #TugmaLahat ang masusunod. Ngunit mangyayari lamang ito, kung directly na bawat isa sa atin ay mananalangin, magsasalita, aaksyon, at kakausapin ang dapat kausapin. Tama po, #BawatIsaMahalaga! Padayon! Laban lang para sa Katotohanan at Kabutihan!