FRIENDS, HIHINGI PO AKO NG FAVOR SA INYO
By Maria Lourdes Sereno
Alam naman po natin na ang FB, hindi nagdi-distinguish sa fake news at totoo. Ang kinikilala lang ng programming (algorithm) nito ay kung ilang beses napansin ang isang page o isang post.
Kung alam niyo po na super-spreader ng fake news ang isang page, hindi niyo na po kailangan i-tag o mag-engage sa page na iyon. Lalo lang po ipo-promote ng programming ng FB ang page na iyon.
Hindi po tayo nagpapagod sa page na ito para sumikat ang mga nanlilinlang sa kapwa. Nagbabalita tayo ng katotohanan sa isang paraan na hindi natin natutulungan unwisely ang mga sinungaling.
So, sa ating lakbayin po, mag-refrain po tayo ng pag-engage, pagbanggit, pag-share ng mga super-spreader ng fake news, whether sa page na ito o sa ibang pages. May paraan po tayo na nababantayan natin ang sinasabi sa ibang forums. Kapag nabigyan niyo na po ako ng munting tip, okay na po iyon. Huwag pong ulit-ulitin ang mga identities ng pages. Maingat po ako sa paglalahad ng mga information dito para safe kayong lahat. Huwag pong sobrahan ang pag-react sa mga sinungaling.
Ang mas bigyan ng time at energy ay ang pag-share ng truthful content, gaya po ng mga nasa posts natin. At ang paggawa ng new content na nagtataguyod ng katotohanan at kabutihan. At lalong bigyan po ng oras ang panalangin at pagsamba sa ating Diyos sa lahat ng bagay, lalo na po ang repentance para sa ating bayan at mga mananampalataya. Marami po tayong hinayaang maling pananaw, dulot ng kakulangan ng equipping natin in integral faith.
Nawa’y ingatan ng Diyos ang inyong mga isip at puso, that our God will keep your hearts and minds in Christ Jesus (Philippians 4:7). Salamat po.
Franco Francisco