HINDI NA PO KAYANG BURAHIN PA ANG KATOTOHANAN AT KASAYSAYAN
By Maria Lourdes Sereno
Wala naman pong patutunguhan ang kandidatura ng mga MARCOS kundi gawing normal ang pagnanakaw at pagsisinungaling, ipawalang-sala ang EJK as a state policy, at pahinain ang paglago ng ekonomiya at oportunidad sa buhay ng mga Pilipino.
Dahil gaano man po kalaki ang makinarya ng disinformation, hindi na po kayang burahin pa ang katotohanan at kasaysayan.
Ang katotohanan tungkol sa mga Marcos ay nakalimbag na, hindi lamang sa mga pahayagan at dokumentong Pilipino, kundi sa collective knowledge and memory ng buong mundo.
Inilagay na po natin ang napakadaming resibo sa katotohanan ng mga Marcos sa posts natin. Ito ay upang ilahad ang mga implikasyon ng mga ito sa ating spirituality, morality at material conditions bilang bansa. Katungkulan ng bawat Kristyano ang ipaglaban ang katotohanan at katarungan, at mag-expose ng works of darkness. Because evil leadership always brings a curse on the land and its people, and leads many people including Christians to evil.
Iisa-isahin po natin kung bakit inevitable po na ang maging policy ng gobyernong Marcos ay polisiya ng:
1. Tuluy-tuloy na pagsisinungaling;
2. Mas malalang pagnanakaw ng mga makapangyarihan;
3. Pagpapawalang-sala sa past state-sponsored EJKs;
4. Paghina ng ekonomiya at oportunidad sa buhay ng mga Pilipino.
Ibe-break down ko lamang po ang mga ito in several articles.