GAANO KA-DIRETSO ANG BIBLE SA PAGSASABING DAPAT AY INILIGTAS NATIN ANG MGA NAGING BIKTIMA NG EJK?

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno

Sabi po sa Proverbs 24:11-12:

“Tulungan mo at iligtas ang hinatulang mamatay nang walang katarungan. Kapag sinabi mong, “Wala akong pakialam sa taong iyan,” ito’y hindi maitatago sa Diyos na nakakaalam ng laman ng iyong puso. Alam ito ng Diyos na nagmamasid sa iyo. Pagbabayarin niya ang tao ayon sa ginawa nito.”

At sabi pa sa Proverbs 31:8-9:

“Ipagtanggol mo ang mga di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan. Ipahayag mo nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran, at ibigay ang katarungan sa api at mahirap.”

Malinaw po, na nung nag-launch ng Project Tokhang at Oplan Double Barrel, ang mga church leaders po sana ay nagdasal at nag-alala na ukol sa legalidad o katarungan ng nangyayari lalo na noong napakadami nang namamatay. Nakinig po sana sila sa mga human rights defenders at international organizations upang hindi lamang ang version ng gobyerno ang napapakinggan. Sapagkat ang pangunahing papel sa lipunan ng simbahan ang pangalagaan ang kaluluwa ng sambayanan, nung nagpapatayan na, kinailangang manimbang ito, pagkat malinaw sa Bibliya na sumpa sa bayan ang dulot ng di-makatarungang pagpatay ng kapwa.

Ito po ang dapat na tinanong ng mga simbahan:

  • Makatarungan ba ang mga malawakang patayan? Bakit pinapatay at hindi kinukulong ang mga suspects? Bakit pare-pareho ang depensa ng pulis na nanlaban gayong mga mahihirap ang mga namamatay laban sa maraming tropa ng kapulisan? Bakit napakaraming “collateral damage”? Bakit andaming testigo na in cold blood pinatay ang mga suspects?
  •  Ano ang ginagawa ng police officials para siguraduhing hindi state-encouraged killings ang nangyayari, na positive duty nila to ensure?
  • Ano ang magagawa ng simbahan para hindi killings, kundi community anti-crime protection with rehabilitation of drug addicts ang i-adopt na approach; marami namang success stories ang faith ministries sa area na yan.

 

At kung pinigilan po nila ang mga miyembro nila na mag-raise ng concern sa socmed tungkol sa mga EJKs, parang ang bigat ng mga katanungan sa kanila ayon sa dalawang passages sa itaas. Paraphrasing Niemoller: Aabot ba sa minimum of 12,000 to 30,000 ang mga Pilipinong namatay kung nagsalita lamang ang mga simbahan?

Na-justify ang Kill! Kill! Kill! the moment we forgot that every human is made in God’s image, and that we are our brother’s keeper (Genesis 1:26-27 and 4:1-13).

Ngayon, ang utak-patayan ay naka-infect na ng soul and psychology ng Pilipino. Sa atin itatanong ni Lord ang state of our nation’s soul. Habang may panahon pa, ialay natin sa Diyos, ang taos-pusong pagsisisi ng buong simbahan; sabihin natin sa Kaniya, na handa na tayo sa pagbabagong gabay ng Kanyang Salita at hindi ng iniidolong tao! Nawa ay patawarin Niya ang Pilipinas at hilumin ang ating bayan.

SHARE