ONE THING FILIPINO CHRISTIAN LEADERS MUST AVOID AT ALL COST
By Maria Lourdes Sereno
After the fall of Adolf Hitler’s government, Christian leaders in the Western allied forces were faced with a dilemma – how to help the German Christians repent for their support for Hitler while not driving them away from the rest of the universal Body of Christ.
Sa Pilipinas, kailangan po ngayon pa lang ay pinag-iisipan at pinagdadasal na natin kung ano ang tamang gagawin upang manumbalik ang unity ng Body of Christ sa Pilipinas sa paglipas ng gobyerno na nag-udyok ng Kill! Kill! Kill!
Walang kaduda-duda na ang lahat ng masasamang makapangyarihan ay mawawala rin (Mga Awit 37:1-2).
Gaya ni Hitler na sinabing walang katapusan ang paghahari ng kaniyang “Thousand Year Reich” (state or government), mawawala rin po sa eksena ang pamahalaang ito. At kapag nangyari na nga, malaking kahihiyan at pagsisisi sa hanay ng mga mananampalataya ang magaganap.
Hanggang ngayon, ang trauma na idinulot ng German Christians sa pagsuporta kay Adolf Hitler ay malaking lamat sa sikolohiya ng German Christianity. Kung dati sila ang isa sa pinakamalakas na tumindig para sa Salita ng Diyos mula 15th century, merong multo ang German Christians na hindi pa rin nila completely ma-exorcise hanggang ngayon–ang pagsuporta ng malaking bahagi nila kay Adolf Hitler at ang katahimikan nila sa malawakang pagpatay sa Jewish people.
Maaaring masipag tayo sa pagpalaganap ng ilang spiritual truths, gaya ng pagsuko ng sarili kay Hesus. Ngunit ang mga tanong ni Hesus na pinangako Niyang tatanungin sa mga nagsasabing kilala nila Siya ay napaka-relevant sa panahong ito:
“Not everyone who says to me, ‘Lord, Lord,’ will enter the kingdom of heaven, but the one who does the will of my Father who is in heaven. On that day many will say to me, ‘Lord, Lord, did we not prophesy in your name, and cast out demons in your name, and do many mighty works in your name?’ And then will I declare to them, ‘I never knew you; depart from me, you workers of lawlessness.’” (Matthew 7:21-23, ESV)
Maaari bang ang church worker ay worker of lawlessness, kaya’t kasama siya sa condemnation ni Jesus? Kung hindi siya gumawa ng kabutihan, hindi niya na-practice ang weightier matters of the law ni Jesus, na Justice, Mercy and Faithfulness (Matthew 23:23), which includes speaking for the voiceless and defending the weak (Proverbs 31:8-9), maaaring kakampi siya ng injustice o lawlessness.
“Doing the Father’s will” is loving our neighbors as ourselves, doing to them what we want others to do to us, being just to everyone. So malaki ang responsibility ng church na tutulan ang EJKs. Naririnig ba ang pagtutol na iyon?
Nasabi ng martyred Christian theologian Dietrich Bonhoeffer: “The only road open to the Christians of Germany was the road of repentance.” At tama nga siya. Sapagkat nang matapos na ang reign of terror ni Hitler, ang napakahirap na proseso ng pagsisisi–by that time, lumabas na ang katotohanang millions of Jews ang ipinapatay ni Hitler, at tens of millions from different nations ang namatay sa World War II na kagagawan niya–at ang pagbabalik-loob ng mga Germans sa Diyos ay kinailangang simulan.
Bakit napakahirap? Marami ang nag-suicide dahil sa lumabas na katotohanan ng gross evil na hinayaan ng inakalang civilized German race. Marami ang tumalikod sa Diyos. Marami ang ikinahiya na Kristyano sila. Sa capital city ng Berlin, 20 pastors ang nag-suicide.
Habang may panahon pa, dapat dumami ang maninindigan at sasabihin sa gobyernong ito: “In the Name of Jesus Christ, stop the killings!” Dapat dumami ang mga Kristyanong magre-repent at tututol for the unjust killings that have transpired under this government.
What Filipino Christian leaders must avoid at all cost is a repeat of what happened in Germany–the deep shame of the larger part of the German Christian church for its complicity in the killings of millions of people by supporting, or being silent, when Adolf Hitler’s killing policy was going on.
The only path open for Filipino Christians who have remained mute in the face of widespread unjust killings is to repent. For those already speaking, to pray for more courage and join in the collective repentance for the church’s sin of omission.