ANG MGA RELIGIOUS LEADERS NA GINAGAMIT ANG ROMANS 13:1-2 PARA PIGILAN ANG LAHAT NG PAGPUNA SA KASAMAAN NG GOVERNMENT OFFICIALS AY:

By Maria Lourdes Sereno

  1. Nagpapadala sa isang manipulasyon na historically ay ginamit ng mga authoritarian governments sa Christian population;
  2. Nalilimutan ang paggalang sa Konstitusyon na sacred covenant ng mga Pilipino to hold government officials always accountable to serve with integrity and justice;
  3. Kung tutuusin, sila ang nagtuturo na maging rebels ang mga government officials sa “ruling authority” which is the Constitution. Paano? By encouraging them to hold themselves higher than the Constitution;
  4. Ang itinuturo nila ay tungkol sa 2,000 years ago pa na political arrangement sa Roman Empire na completely inapplicable today, at hindi good citizenship in a democracy which evolved from the Christian doctrine of equality of man;
  5. Ipinagkakait sa mga Pilipino ang blessings of democracy and a free conscience gifted to us by God.
Maria Lourdes Sereno
SHARE