SAMPUNG MALINAW NA IDOLATRY
By Maria Lourdes Sereno
1. Idolatry ang pagkunsinti sa “Kill, Kill, Kill” – mahal mo pa ang idol mong political leader kaysa sa Diyos na ipinagbawal ang pagiging hayok sa dugo at ang anumang walang kararungang patayan.
2. Idolatry ang pagiging okay lang sa iyo na nilapastangan ang Diyos – diyan ay very clear na hindi mo Siya mahal.
3. Idolatry ang i-justify ang pagmumura – mas mahal mo pa ang idol mo kaysa mga anak at apo mo na natututo ng mali at kabastusan.
4. Idolatry ang mag-admire ng mayabang – then mahal mo pala ang mga arrogant na hate na hate ni Lord.
5. Idolatry ang magwalang-kibo sa korapsyon – the earth is the Lord’s and all its fullness, okay lang pala sa iyo na nakawan si Lord at ang taumbayan, basta’t mapasaya ang mga idol mong magnanakaw.
6. Idolatry ang sabihing okay lang ang sinungaling na lider – wala ka palang pagmamahal kay Jesus na Truth and God of Truth.
7. Idolatry ang mag-accept ng duwag na lider – saan ka nakakita sa Bible na okay ang taong duwag kay Lord?
8. Idolatry ang pagtanggap ng kalaswaan at ang paghalakhak at pagpalakpak dito – sabi ni Jesus, yung lustful thoughts pa lang, adulterous na, ano pa yung sama-samang nag-eenjoy ang audience sa kababuyan?
9. Idolatry ang mag-approve ka ng leadership na tutulog-tulog sa panahon ng sakuna – idolatry ito pagkat hindi mo mahal ang iyong kapwa na nasa panganib kaya’t okay lang sa iyo na violated ang greatest commandments ni Jesus.
10. Idolatry ang kagustuhan mong magpatuloy pa sa kapangyarihan ang abominable na tao ayon sa Proverbs 6:16-19 – wala ka talagang pagmamahal sa Salita ng Diyos.