SINO SI PRINCESS SARAH SA CONSCIOUSNESS NG MGA PINOY?

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno

Noong 1989-1992, si Mara Clara at Flor de Luna ang laging naaabutan kong pinapanood ng mga myembro ng household staff namin sa hapon. Iyakan blues malimit, parati na lang may inaapi. Pati ang toddlers ko, kasamang na-eexpose sa drama ni Judy Ann Santos at Janice de Belen. Nangibang-bansa kami pero wala akong nakitang equivalent. Ang mga kids shows sa Amerika, generally upbeat.

Pagbalik namin sa Pinas, all raves ang mga tao sa Japanese anime including yung Princess Sarah series. Bakit kaya gusto ng panlasang-Pinoy si Princess Sarah, si Mara Clara at Flor de Luna?

Sa tingin ko, kasi malawakan at malalim pa rin ang problema ng kawalang katarungan at pagka-ulila ng mga Pilipino. Parang kulang ng seguridad na may magulang na magtatanggol sa kanila. Paano nga naman, karamihan ng mga magulang ay either working or abroad. At ang pang-aapi sa kapwa ay masakit na daily reality.

So ang sitwasyon tingin ko ay ganito: naghahanap ang mga kabataan natin ng authenticity, kung saan ang mga nakatatanda na nagtuturo sa kanila na may buhay na Diyos ay ipapakita ang ebidensya na buhay nga Siya sa pang-araw-araw na sitwasyon. Na kung may mga batang tulad ni Sarah na inaapi ng mga Miss Minchin, ay may Diyos na magpaparamdam ng pagmamahal at katarungan Niya. At ine-expect nila, na ang mga teachers of the Word, bilang inaasahang representatives Niya, ang unang magbibigay ng buhay na leksyon ukol sa hustisya.

Ngunit kung ang bukambibig ng mga nagtuturo ng Salita ng Diyos ay “Mag-submit tayong lahat sa authority kahit tahasan nilang ninanakawan ang bayan at pinapatay ang nga kapwa natin Pilipino–basta ang role natin ay mag-submit” at ginagamit nila ay maling interpretasyon ng Romans 13, masyadong obvious na tinuturuan nila tayo na magpaalipin at maging biktima ng pang-aabuso. Kailanman ay hindi nais ng Diyos na maging mga robots o enablers ng evil ang Pilipino.

Jesus came to vanquish evil, not by enabling evil, but by speaking against it, and enduring its wrath. He rose again to show that the God of Justice cannot be conquered by death and evil. He did it out of love. We too must speak against evil out of love, and prepare to face its wrath. But be of good cheer because victory is assured–Christ has already conquered evil!

#magpaREHISTRO
#BUMOTO
#BawatTamangBotoMahalaga

SHARE