KUNG ALIVE KA NA TO TV NOONG 1990's, NAALALA MO PA BA SI MISS MINCHIN?
By Maria Lourdes Sereno
Siya yung mabait kung magagatasan ka, at malupit kung wala nang makukuha mula sa iyo. Parang mga traditional politicians o tradpols lang.
Patok si Princess Sarah sa viewers noong 1990s. Sila ang mga Millennials at Gen X ngayon. Dahil naulila sa ama ng maaga, napunta sa school mistress na si Miss Minchin ang kanyang kapalaran – kung ita-trato siyang hayop o tao.
Depende pala sa mapapakinabang ni Miss Minchin ang magiging treatment nya: tratong-tao kapag may kwarta at tratong-hayop naman kapag wala na.
Ganyan din ang mga pulitikong walang dangal at prinsipyo. Ipagkakanulo ang mga napangakuan kung ang pakinabang nya ay nasa kabilang panig na.
Mga Princess Sarah ng inyong henerasyon, STOP NATIN SABAY-SABAY SI MISS MINCHIN NA MGA MASASAMANG PULITIKO!
Paano?
Ibuko sila: ipaalala sa lahat ang mga pangakong napako;
Ipakita sa lahat ang pagiging ganid nila sa kwarta gamit ang mga ebidensyang nasa public record, hindi ito libelous;
Sabihan ang mga MISS MINCHIN ng “Goodbye, Miss Minchin! No more to your PAGKA-GAHAMAN SA KWARTA and KALUPITAN!”
FIGHT AGAINST TODAY’s MISS MINCHINs! I-BOYCOTT ANG MASASAMANG PULITIKO!
Magtulungan tayo. I-circulate sa inyong social media accounts ang mga nasa official records ng pagnanakaw at kalupitan. And pray na hindi na maulit ang mga ito. This is one way we #FightStructuralEvil.