PAANO TAYO PINAHIHINA NG KAAWAY?

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno

Una, yung pinagsasabihan tayong “wala nang magagawa” sa ating sitwasyon. Ayaw ng kaaway na makilala ng sambayanang Pilipino ang tunay na lakas niya sa Diyos at sa sama-samang pagkilos.

Pangalawa, ang pag-bandera sa mga numerong akala mo eh imposibleng mabaligtad. Ganyan naman lagi ang mga kwento ng tagumpay sa Bible–akala mo talo sa dami ng akalang kaaway, yun pala, PANALO!

Yung pagmamayabang na nasa kanila na ang lahat ng pera at makinarya ng pandaraya, at hawak daw nila lahat ng institusyon ng gobyerno. Pinapamukha nila na lahat ng Pilipino, kasama na ang government officials, ay matatapalan ng kwarta at pananakot.

PWES, hindi nila kilala ang mga Pilipino, at lalong hindi nila kilala ang Diyos!

“Huwag ninyong akalaing madadaya ninyo ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.” – Galatians 6:7, MBB

SHARE