BAKIT PO NILA NILILITO ANG TAUMBAYAN?
By Maria Lourdes Sereno
Sila po ang nagpasimula ng isang strategy ng political idolatry. Malakas at Maganda. Ferdinand Marcos Sr. with the fake war exploit stories (verified na fake po iyan ng U.S. government at National Historical Commission). Sila daw ang magliligtas sa Pilipinas. Iyan po ay matinding kaaway ng #IntegralFaith sapagkat inaangkin nila ang pagsamba na dapat ay sa Diyos lamang. Kaya’t kailangan nating lahat manawagan sa mga mananampalataya na itigil na itong Marcos worship.
Ano po ang nangyari? Matapos ang 20 years in power, iniwan nila na Sick Man of Asia ang Pilipinas from its pre-Marcos position of being second only to Japan. Iyan po, verified ng mga economists at historians. Hindi po pwedeng i-manipulate ang facts. Binudol-budol din po iyang economic aspect ng ating history. Sobrang poor daw ang Pilipinas bago umupo si Marcos at siya lang daw ang nag-angat. Siya po ang naglugmok, hindi nag-angat sa Pilipinas. Sa dami ng fake YouTube at Tiktok videos na nagsasabi ng kasinungalingan, ano ba iyan kung hindi pangbubudol.
At ang infrastructure na naipatayo, pinaghirapan ng maraming administrations before Marcos. Si Marcos ang nag-claim ng credit at ibinulsa pa niya ang 15% commission sa mga projects. Ang kataga po dito na famous sa Japan at sa studies on how to avoid corruption in development projects—”Marukosu Giwaku” o “Marcos Scandal.” So budol-budol po na glory days ang Marcos era, dikit nga ito sa korapsyon diba?
At noong 1987, nangbudol na naman si Marcos, may 1,000 tons of gold daw siya, kaya medyo pinagtawanan siya sa U.S. Congress hearing na nag ko-con job o nangbubudol-budol. Sabi pa nga ni Marcos Sr., alam daw ni Bongbong ang tungkol sa gintong iyon.
At si Imelda! Hindi po ba budol-budol yung sinabi niya sa interview with Mareng Winnie sa “Bawal ang Pasaway” na may 7,000 tons of gold daw sila sa basement ng bungalow nila?
Ayan na po, tinanggi ni Imee at Bongbong ang pangbubudol-budol ng tatay at nanay nila.
Ngunit ang totoo, merong ginto ang mga magulang nila. Isang maleta ng gold bars. Ito ang report ng U.S. Customs Authorities nang nag-imbentaryo sila ng mga bitbit ng pamilya Marcos sa Hawaii nung February 1987. Hindi 1,000 tons, hindi rin 7,000 tons, kundi isang maleta. Hindi natin alam kung gaano kalaki ang maleta o kung puno ito. So meron po, pero hindi in such amounts as Ferdinand Sr. and Imelda claims. At hindi enough para mag-claim ang Marcos Network na kaya daw iligtas ni Bongbong ang Pilipinas.
Kung wala naman po palang gold na source of nakakalulang yaman nila, eto po ang kailangan gawin ng kandidatong si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr:
- Sabihan ang taumbayan na peke ang lahat ng nagpapakalat ng balita na napakarami nilang ginto, pati yung mga vloggers na nagsasabing napakayaman na nila bago pa maging pangulo si Marcos Sr.;
- Sabihin kung saan nanggaling ang idineposito nila na USD 683 million sa Swiss bank at yung higit sa PhP 1.8 billion secret Arelma bank account, na si Bongbong ang principal personality together with Imelda na nagde-defend na galing sa lehitimong yaman ng ama niya ang mga iyon.
Kung wala naman palang gold trading si Marcos Sr. na ipinagmamalaki ni Imelda, eh hindi po ba, gaya ng sinabi ng 13 cronies na nag-confess and/or nagsauli ng assets sa gobyerno, ito ang totoo: ANG MGA ISINAULI NILA AY NAKAW NI MARCOS SR.
ACCOUNTABILITY starts by coming clean and telling the truth.
Marcos Yen of Corruption
https://drive.google.com/…/1hfmcCJ9t0mOQ4SOsDoQQmR…/view
Excerpt from “The Growing Role of NGO’s in Tokyo’s Aid Development Policy” by Keiko Hirata
https://drive.google.com/…/1-Cq-kE-IXDrRUA7…/view…
Excerpt from “Global Corruption from a Geographic Perspective” by Barney Warf
https://drive.google.com/…/1z90…/view…