ISA PONG PAALALA NA KAILANGAN ANG DIRECT COMMUNICATION NG KATOTOHANAN SA MGA INDIBIDWAL, PAMILYA, GRUPO AT KOMUNIDAD
By Maria Lourdes Sereno
Dahil nakapasok ang mga mensahe ng maling impormasyon tungkol sa mga Marcos sa haba ng kanilang decades-long political comeback strategy, at nauna sila sa paggamit ng social media versus traditional media, meron pong nabuong mga naratibo na alam nating peke.
Una, na uulan ang ginto at malalaking salapi kung manalo si Bongbong Marcos. Kailangan maipakita na walang basehan ang sinasabing tone-toneladang Tallano gold, Yamashita gold at iba’t ibang purong imbento. Meron na pong pushback sa istoryang ito. Kailangan din pong ipakita kung gaano ka-imposible ang prosesong ito – yung pamumudmod ng pera o ginto, whether physical cash o thru ATM at card. At na hindi natutupad yung mga inaasahan ng mga nakalista sa Marcos loyalist organizations na hundreds of thousands of pesos or millions daw ang ipamimigay ng mga Marcos sa napakaraming kababayan natin.
Pangalawa, na sasamsamin ni Bongbong Marcos ang Meralco, Maynilad at Manila Water. Gagawing government properties ito. At dahil dito, magiging mura o halos libre ang kuryente at tubig. Kailangang ipakita natin kung paano, gaya ng instant premyo kung manalo si Marcos, budol-budol na malaki rin ito. Walang pangsweldo sa mga empleyado o perang pang-operate sa mga trabahante nitong mga kumpanyang ito ang gobyerno. Hindi kayang bayaran ng “makatarungang presyo” ng gobyerno ang halaga ng mga ito. Pag i-try man lang ito ni Marcos, gaya ng inaasahan ng kaniyang supporters, mag-aalisan ang mga investors sa Pilipinas. Lalo pa tayong lulubog.
Pangatlo, na bubuksan ang Bataan Nuclear Power Plant at dahil dito, lalo pang bababa ang presyo ng kuryente. Pansinin na pati si Pangulong Duterte, alanganin ang posisyon tungkol dito. Lahat ng pangulo, mula kay Marcos, ay hindi nabigyan ng go-signal ito. Hanggang umalis na lang si Marcos ay walang pormal na pahintulot ang mga tamang ahensya ng gobyerno na buksan ito. Kung totoong “safe” ito, nasaan ang mga certification na yun nga ang estado ng BNPP? Kaya’t kahit si Marcos Jr. ay mukhang iniiwasan ang isyu na ito, ngunit ang mga supporters niya, sugud nang sugod na kasalanan daw ang di-pagbubukas ng BNPP ni Cory.
Pang-apat, na bababa ang presyo ng lahat ng bilihin kapag naupo na pangulo si Marcos Jr. Eto, walang paliwanag ang pagtulak ng linyang ito kahit kaunti. Basta, nagawa daw nung panahon ni Sr. eh di kaya ring gawin ni Jr. Hindi po totoo na maluwag ang buhay noong panahon ni Marcos Sr. Pila sa bigas at laging nawawalan ng kuryente at tubig. Mahal ang medisina, sapatos, at magbiyahe sa eroplano at barko. Hindi napaluwag ni Marcos Sr. ang buhay ng mga tao. At mukhang walang track record si Marcos Jr. para angkinin na kaya niyang gawin ito.
Panglima, na maraming maipapagawang imprastraktura si Bongbong gaya nina Sr. at Duterte. Ang hindi naipapaliwanag ay maraming libreng infrastructure fund ang naibigay ng Japan at US noong panahon ni Marcos. Nag-benefit siya sa War Reparations Fund ng Japan at ng tulong ng America after the war. At napakalaki rin ng inutang ni Marcos sa mga bangko. Ginawang sistema ni Marcos ang pang-kokotong sa Japanese fund. Hindi ko pa nabibigyan ng sapat na pagsusuri ng infrastructure program ni P. Duterte. Ngunit ang nakikita ko ay ang warning ni Secretary Dominguez na sobrang laking utang ang kailangang bayaran ng susunod na gobyerno. Wala ring ga-higanteng libreng pondong pang-imprastraktura ang makukuha ni Marcos Jr. So, pang budol-budol lang talaga.
Basta, ang sabi ng ibang supporters niya sa akin, may nakikita sila kay Bongbong Marcos na hindi niyo nakikita. May vision daw siya. May charisma daw siya. Ipagbubuklod daw niya ang Pilipinas. Hintayin na lang daw ang election. Hindi naman nila maipaliwanag kung ano yung nakikitang iyon.
Produkto ang ganitong mga paniniwala sa micro-targeting na tinatawag ng mga tanyag na journalists. Na-penetrate ng Budol-Budol Network ang maraming social media groups. Gumawa sila ng napakaraming FB pages, YouTube at Tiktok channels. Nakagawa sila ng more than 600 videos extolling the Marcoses and maligning perceived Marcos enemies. Fake naman ang napakarami nito. Kawawa daw ang mga Marcos at pinagtulungan ng halos buong mundo. Wala daw silang inapi kahit sino. Mababait daw sila, hindi nga umiimik. Hindi binabanggit ang napakadaming “substitutes” para sa kanila, mga vloggers at bloggers, and a few writers.
Direct communications with individuals, families, groups at communities, na kailangang magingat sa pang bubudol-budol ang kailangan. Na no less than 11,000 ang government-certified victims ng Marcos Martial Law. Na naghirap ang buhay ng mga pamilyang Pilipino sa dictatorship niya. At walang basehan ang anumang paniniwala na maibabangon ni Marcos Jr. ang Pilipinas.