MINSAN AY TINANONG AKO NG ISANG INTERVIEWER:
"CJ, HOW DO YOU WANT TO BE REMEMBERED, ANO ANG GUSTO MONG LEGACY MO?"
By Maria Lourdes Sereno
Ang picture na pumasok kaagad sa isip ko ay yung ilalagay sa obituary ko, o sa tombstone ko. Kaya ang sagot ko: Actually wala akong opinyon diyan, kasi hindi ko naman malalaman ang sasabihin ng mga tao tungkol sa akin kapag patay na ako, eh. Sabay napatawa. Then I turned serious and gave an answer that I can’t exactly remember now.
Yesterday, I posted a line on the sum of life in the view of Solomon—pinakamayaman, pinakamatalino, pinakatanyag sa wisdom nung panahon niya kaya’t pinupuntahan ng mga importanteng pinuno ng iba’t ibang bansa upang makinig sa fabled wisdom niya. Meron siyang natumbok, that the meaning of life has to do with having a relationship with God. Pero hindi na niya kaya pang i-elaborate.
Katatapos ko lang mag-reflect sa kabutihan ng Diyos. Ano ba ang tingin natin sa kabutihang iyon? Hindi ba dahil sa pagmamahal Niya sa atin, ay nagiging maliit na bagay lamang ang mga hirap at hamon ng mundo kung ikukumpara sa apaw-apaw Niyang pag-ibig? Sino ang hindi magsasaya tuwing maaalala niya na walang kabutihang hindi ibibigay ang Diyos sa mga minamahal Niya at nagmamahal sa Kanya? Hindi ba’t anumang pasakit at pagsubok na pinagdaraanan ng Kaniyang anak ay panandalian lamang, at ito ay oportunidad upang ang pananampalataya sa Diyos ay masubok sa apoy at maging higit na mahalaga sa lahat ng yaman ng mundo?
Kasasabi lang ng asawa ko, day by day, ang journey natin. Step by step. Walang preconceived expectations on how life would exactly turn out, except this: “all things God will work for good to those who love God and are called to be conformable to the image of His Son” (my paraphrase of Romans 8:28). Napakaganda, napakaayos, napakapanatag na maranasan ang walang-kagayang pagmamahal ng Diyos.