BUKSAN NATIN KASAMA NG ATING PUSO ANG LINK NA ITO:
LISTAHAN NG 11,103 GOVERNMENT-CERTIFIED MARTIAL LAW VICTIMS
By Maria Lourdes Sereno
More than 75,000 po ang nag-apply sa Human Rights Victims’ Claims Board (HCRVB). Dahil sa tight 2018 deadline nila sa ilalim ng batas na bumuo sa HCRVB, 11,103 applications lang ang na-approve na bigyan ng kompensasyon.
Bumoto sa batas na ito at nilagdaan pa ito ni Senador Juan Ponce Enrile noong 2013 bilang Senate President. Kaya walang choice si Enrile kundi aminin na mayroong at least 11,103 victims ng killings, torture, disappearances and illegal detention noong Martial Law. Baligtad sa sinasabi niya ngayong walang biktima noong Martial Law.
Ang pinangbayad sa mga biktima ng rehimeng Marcos ay mula sa yamang kinulimbat niya rin mula sa taumbayan. Ang lungkot ano ho? Inabuso na makailang-ulit ang mga Pilipino.
Una, pinatay, tinorture, kinidnap at hindi na muling natagpuan, at kinulong illegally ang libu-libong Pilipino.
Pangalawa, pinagnakawan tayo ng daan-daang bilyong piso.
Pangatlo, sobra tayong pinahirapan bago mabawi ang malalaking nakaw na assets.
Pang-apat, yung ninakaw sa taumbayan na sobrang hirap bago mabawi ang pinambayad upang maibsan kahit papaano ang kalupitan na naranasan ng mga kababayan natin kay Marcos.
Buksan po natin ang link. Basahin at ipagdasal ang mga namatay—na makatikim sila at ang mga pamilya ng katahimikan at katarungan. Gayun din sa mga nawawala, at idagdag na sana ay mahanap na sila, patay man o buhay, at malaman ng mga nagmamahal sa kanila kung ano ang tunay na sinapit nila. Ang mga na-torture naman, kasama na ang mga na-rape, na-electric shock at water cure, na hilumin ng Diyos at ng pagmamahal ng kapwa anumang trauma na nararanasan pa nila. At ang mga nabilanggo, na ipag-ibayo ang kanilang kalakasan at maging paraan ang injustice na naranasan nila upang lumaban para sa reporma ng justice system. Magdasal po tayo para sa bawat isa sa kanila at magdesisyon: “Hindi na tayo muling papayag na ganun na lamang yurakan ang dignidad ng sinumang Pilipino. Bawat isang Pilipino, kasama na ang mga may-pangalan sa listahang ito, ay mahalaga. Ginawa ang bawat isa sa wangis ng Dakilang Maylikha. Walang sinumang may karapatang mag-diyos-diyosan at siraan ang ating kapwa.”
Sa ganitong kongkretong pagsisisi, at pagbabalik-loob sa tama at kaparaanan ng Diyos ang landas ng paghilom ng malalalim na sugat mula sa pang-abuso ni Marcos ng Martial Law.
Napakaganda siguro, at ipinapanalangin ko, na mapanood sa page na ito, at sa ibat ibang pages, ang videos ng mga biktima at pamilya nila. Ito palagay ko ay mag-rerelease ng maraming sugat na dekada na nilang bininitbit–ang marinig ng bayan ang kwento nila at sa ating magalang na pakikinig, ay makipag-kapwa at manumpa: Never again will we allow our people to suffer what you suffered!
Importanteng paalala: marami pang biktima ang hindi nakasama sa listahang iyan.
LISTAHAN NG 11,103 GOVERNMENT-CERTIFIED MARTIAL LAW VICTIMS: Buksan po natin
https://thefreedommemorial.ph/roll-of-victims/
https://drive.google.com/…/1d4Bay12ONK3VBXJHs65…/view…