ANG AUDIENCE AT PURPOSE NG FB PAGE KO
By Maria Lourdes Sereno
December 19, 2021
Bagama’t naging Punong-Mahistrado ako ng Korte Suprema, nag-decide akong gumamit ng nickname ko para sa aking unang facebook page: Meilou. Bakit? Dahil at that time last year when I was deciding on the fb name, napakaraming kabataan na nagiging close sa akin na tinatawag akong Tita, Ninang at Mommy. Nickname ko ang best na idikit sa mga prefixes na ito. Para naman sa gustong maalala ang fight ko for justice while I was in the Supreme Court, okay din na tinatawag akong CJ.
I needed to speak thru FB for one important reason: to sound the message about INTEGRAL FAITH. Yun bang kahit lahat tayo ay broken, wounded and fallen creatures, God through Christ makes everything fall into place. #TugmaLahat!
Hindi dahil magaling ang sinumang nilalang, kundi hangga’t kumakapit tayo sa Diyos, at nananahan kay Kristo, mayroong katugunan ang lahat ng tanong, may kabuluhan ang lahat ng nangyayari, revealed in God’s own time. Even the presence of evil and pain, mayroong sagot. Mahirap tanggapin, minsan bitin pa, kadalasan there are places of rest that only faith can bring us to. And we will often discover, the answers are beyond the physically discernible, but that they lodge deep within our spirit, in “the still small voice” speaking to us from the depths of our soul.
Dahil deep need ng tao na makitang #TugmaLahat , kahit ang pagtingin sa pulitika ay kailangan akma sa Salita ng Diyos. Ang pulitika ay hindi pagtataas ng sarili higit sa kapwa, kundi, ang paghahanap ng “consensus” o pangkalahatang pagsasang-ayon, upang maganap ang minimithing “makatarungan at makataong lipunan.” Ito ay ayon sa espiritu ng ating Konstitusyon. Hindi hari ang ating hinahalal kundi lingkod-bayan.
At ang tunay na naghahari sa ating bayan ay dapat ang #TaumbayanNaman o #SovereignFilipinoPeople. Sila yung nakikita mong lumalabas ngayon, may panganib man sa sarili, para ialay ang lakas at kaligtasan nila para sa kapwa. Nagdadala ng pagkain, tubig, gamot, kumot at ayuda sa ibat ibang lugar na sinalanta ng #OdettePH. Hindi mga taong-gobyerno ngunit higit pa sa taong-gobyerno. Sapagkat ginagawa nila ito ng walang kapalit at hindi dahil employment nila ito, kundi sa ngalan ng pakikipagkapwa. Sila rin yung tumatanggap ng pakikipagkapwa natin, na nangangarap din na balang araw, hindi na sila ang sinasalanta ng mga kalamidad, kundi sila naman ang tutulong sa kanilang mga kapwa-Pilipino na nasa anumang panganib. #TaumbayanNaman sila na humihingin ng sinserong pakikipagkapwa.
Ang layon ng FB page kwentuhan natin ay para palakasin ang katotohonan, kabutihan, katarungan at katuwiran sa ating publikong diskurso. Kalimutan na ang pagiging cynical o yung tingin sa buhay na ang lahat ay laro lang ng mga makapangyarihan. Baguhin ang direksyon ng ihip ng hangin ng ating diwa. Manalig sa Diyos at sa kabutihan!
Twenty two months ago, I invited a large audience to bring the national conversation to God and the good! I said President Duterte had acted against the standards of God, reason and science. Dahil dito, bumabagsak o lumalayo ang bansa sa lahat ng economic, educational, health, human dignity at morality indicators. Mukhang wala naman yatang kayang matanggihan ito from the facts coming in.
So I will dare repeat my message 22 months ago: Ibalik natin ang usapan sa Diyos at kabutihan. Let’s all return the conversation to God and the good! A blessed helpful Sunday to everyone!
Important P.S. po: Ang “God and the Good” conversation po natin ay hindi tungkol sa church membership, kundi yung faith na isinasabuhay ayon sa katuruan ni Hesus.