KATAWA-TAWANG PAGPIPILIT NA KUNG WALANG NAKULONG NI ISANG MARCOS, IBIG SABIHIN AY WALA DAW SILANG NINAKAW

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno

Nakupo, napaka-trying hard ang ganiyang argumento! Ang number of prisoners na may final judgment of conviction sa buong Pilipinas ay less than 39,000 lang—sa NBPP, sa Iwahig, sa Davao Penal Colony, at sa Women’s Correctional Institute. The rest of the prison population ay pending pa ang mga kaso at walang pang-piyansa o hindi pinayagang makapag-piyansa.

Kung ang nakakulong lang with final conviction ang basehan ng pagkilala ng kriminalidad, 39,000 lang ba ang kriminal sa Pilipinas? Kahalangan po to think na lahat ng mga kriminal ay naipakulong natin gayong we have one of the highest incidents of violence and corruption in the world.

At kung magfocus tayo sa corruption, iilan lang ba ang public officials na napakulong ng korte? At least 20% ng national budget (PhP 1 trillion) ang napupunta sa corruption. Wala pa sa bilang na ito ang ibang puedeng pagnakawan na pondo, kontrata, franchises, fees, taxes, etc.

Hindi lang kakaunti ang nacha-charge with and convicted for corruption sa Pilipinas, napakatagal ng procedures sa Pilipinas, at mapapansing ang maliliit na officials lang ang nako-convict. Ang number of pending criminal cases natin is in the hundreds of thousands, karamihan ay laban sa mahihirap, at matagal bago matapos. IBIG SABIHIN PO NIYAN AY HIGHLY-EXPLOITED ANG JUSTICE SYSTEM NATIN NG CORRUPT AT POWERFUL.

Bukod dito, unanimous ang lahat ng studies na napakahirap magpakulong for specific crimes of corruption ang dictators na inilabas ang nakaw na yaman sa bansa, lalo na kung naka-exile pa gaya ni Marcos Sr. Bakit po?

1. Dahil bawat element of the crime ay kailangang naganap sa country where the trial is being held. At ang corruption na committed in several jurisdictions ay delikadong hindi masatisfy ang requirement na ito. Hindi pa uso noon ang concept ng transnational crimes. At doble ang hirap kung inilabas ng dictator ang stolen assets sa ibat ibang bansa. Nagnakaw nga ng nakakalulang halaga, pero maliit ang chance na makulong siya, dahil sa mga teknikalidad ng criminal law and procedures. Gaya nga ng sinabi ni ex-Prime Minister Lee Kuan Yew ng Singapore, grabe ang pagpapayaman ni Marcos sa pamilya at sa cronies niya. Worse, itinago pa niya ang kaniyang mga kinurakot sa ibang bansa; at least daw si Indonesian dictator Suharto kept most of his stolen assets sa loob ng kaniyang bansa.

2. Ang mga krimen ng mga dictators ay usually kulang ng witnesses, at well-hidden ang loot. Ito ay dahil sa pag-supress ng dictator sa lahat ng truth na pangit sa kanyang imahe, sa pagkulong ng mga tumutuligsa sa kanya, sa hindi niya pagsubmit sa audit procedures, sa kakayahan niyang gumawa ng mga batas na nangkukumpiska ng ari-arian ninuman, at magpataw ng buwis na kakamkamin niya para sa sarili. Sa isang diktadurya, ang mga negosyante ay hawak sa leeg at puedeng kotongan anumang oras. Iyan po ang sitwasyon sa bansa until the Marcos family was booted out of the country.

3. Hindi pwedeng isulong ang kasong kriminal laban sa patay. When Ferdinand Marcos Sr. died in 1989, lahat ng criminal cases being prepared against him in the Philippines at yung pending sa Amerika had to be dropped. Siya yung principal accused sa New York for the charge of racketeering. Ang principal element dun ay yung pag-violate ng mga batas ng New York on using “racketeering money” to buy properties there. Si Ferdinand ang napatunayang nag-utos ng scheme na ito. Si Imelda ang nag-udyok o nagsabing “bilmoko niyan.” Ngunit hindi enough iyung pang-uudyok sa tingin ng 10 versus 2 jurors, para ikulong si Imelda sa New York. Sabi ng isang juror, kung buhay noong judgment day si Ferdinand Sr., siguradong kulong siya. Ang acquittal ni Imelda sa NY ay hindi ibig sabihin na wala silang ninakaw, o na hindi si Imelda nag-benefit sa pagnanakaw. Ibig sabihin lang nito, hindi naniwala ang jury na si Imelda ang nagpatakbo o nag-impluwensiya sa pagpapatakbo ng isang criminal syndicate sa New York.

Inuulit po natin, bakit hindi nakulong ang sinuman sa mga Marcos? HINDI DAHIL WALANG NINAKAW, KUNDI:

1. Patay na si Ferdinand Marcos Sr. kaya hindi na pwedeng kasuhan—at least 13 affidavits na salaysay ng pagnanakaw ni Marcos ang nakahandang basehan ng mga kaso laban sa kanya, bukod pa sa several willing former Cabinet Secretaries ni Marcos, other than Baltazar Aquino, to testify to his crimes;

2. May criminal conviction si Imelda for graft and corruption – for running and managing the biggest accounts of their ill-gotten wealth, yung 5 Swiss accounts. Tinanggap ang piyansa niya habang nag-aapela sa Korte Suprema. Tungkol naman po sa kung bakit hindi siya kinakasuhan ng plunder para may automatic kulong, hindi po si Imelda puedeng kasuhan nito kasi 1991 lang ang Plunder Law. Hindi po iyan puedeng mag-retroact sa mga ginawa nilang pagnanakaw during their 20 years in power.

3. Forfeiture lang ng assets ang penalty sa public official na nagkamal ng nakaw na yaman, ayon sa 1955 Anti-Ill-Gotten Wealth Act. Ito ay kahinaan sa batas na tinatangkang ayusin sa proposals to amend the law nina ex-Ombudsman Simeon Marcelo at Congressman Alfred Vargas.

NAGNAKAW ANG MGA MARCOS. IYAN PA RIN ANG CONCLUSION NG BUONG MUNDO:

(1) Permanent record na ang international pronouncements ng world leader such as Singapore Prime Minister Lee Kuan Yew, the Japanese Parliament reforming their ODA law dahil sa MARCOS SCANDAL of pangko-kotong (Marukosu Giwaku), Swiss at international banking reforms dahil sa scandal ng 5 secret Swiss accounts ng mga Marcos, pronouncements sa US Congress hearings, reforms sa European Union prohibiting EU businesses from bribing foreign government officials, at reforms gaya ng bagong United Nations Convention Against Corruption;

(2) 5 court decisions pronouncing the illegal, NAKAW NA YAMAN nature of the large Marcos assets found: 1 in New Jersey, 1 by the Swiss Federal Supreme Court and 3 by the Philippine Supreme Court;

(3) 13 affidavits ng pangungumpisal at pagsasauli ng mga NAKAW NA YAMAN ng mga Marcos mula sa mga cronies o kasabwat; at

(4) PhP 174 billion na NAKAW NA YAMAN ang nabawi na ng PCGG, na nagamit o nalagak na sa farmers sa CARP program, human rights victims, at sa Coco Levy Trust Fund. PhP 125 billion pa ang babawiin.

KAHIT SAANG KORTE, MAPAPATUNAYAN NA HUMAWAK NG BILYON-BILYONG NAKAW NA YAMAN ANG MGA MARCOS. NGUNIT HINDI IBIG SABIHIN NA MAPAPAKULONG SILA. ITONG PAMAMAYAGPAG NG MGA CORRUPT PUBLIC OFFICIALS SA ATING LIPUNAN, DAHIL SA WEAK LEGAL SYSTEM AT BAD POLITICS, ANG KAILANGANG LABANAN NG TAUMBAYAN.

🔍 Imelda filing bail and Sandiganbayan accepting the same.
https://cnnphilippines.com/…/Imelda-Marcos…

🔍 REPUBLIC ACT NO. 1379
AN ACT DECLARING FORFEITURE IN FAVOR OF THE STATE ANY PROPERTY FOUND TO HAVE BEEN UNLAWFULLY ACQUIRED BY ANY
PUBLIC OFFICER OR EMPLOYEE AND PROVIDING FOR THE PROCEEDINGS THEREFOR, June 18, 1955
https://www.ombudsman.gov.ph/…/Republic_Act_No_1379.pdf

🔍 REPUBLIC ACT NO. 7080
AN ACT DEFINING AND PENALIZING THE CRIME OF PLUNDER, July 12, 1991
https://drive.google.com/…/1xb1…/view…

🔍 Congressman Alfred Vargas’ proposal to put in imprisonment as penalty in RA 1379:
HOUSE BILL NO. 7402 – PENALIZING THE ILLICIT ENRICHMENT OF PUBLIC OFFICIALS QND EMPLOYEES FOR THE ACQUISITION OF PROPERTIES THROUGH UNLAWFUL MEANS.
https://www.congress.gov.ph/legisdocs/basic_18/HB07402.pdf

🔍 Ombudsman Simeon Marcelo’s proposal to penalize by imprisonment the mere acquisition of ill-gotten wealth in RA 1379, wherein the length of the penalty of imprisonment should depend on the amount/value of ill-gotten wealth amassed; thus, the higher the amount/value of ill-gotten wealth, the longer the term of imprisonment.
https://news.abs-cbn.com/…/acquiring-ill-gotten-wealth… 

SHARE