LAKBAYIN NATIN:
Makakaya ng isang Namumuno na Mag-resist na Maging Diktador, kahit na Matindi pa ang Panganib na Hinaharap
By Maria Lourdes Sereno
Panoorin po natin ito. Hindi ba kamangha-mangha, na sa ilalim ng 6 na taon, naitawid tayo ni Cory Aquino mula sa Marcos dictatorship to a constitutional democracy, bagamat ayon sa historian na si Professor Xiao Chua, nanganib ang kaniyang pamamahala sa 9 na kudeta. Pati ang anak niyang si Noynoy ay nabaril sa leeg sa ika-anim na kudeta. Saan nakukuha ni Cory ang lakas na tumindig para sa demokrasya at pinagtibay pa niya ang paniniwala na ang demokrasya ay dapat manaig, at ang kapangyarihan ay dapat sa taumbayan? Inalok siya ng marami na palawigin ang revolutionary powers niya, pero tumanggi siya, demokrasya ang gusto niyang legacy na iiwan sa bayan.