Isang Question from a Follower: 

"Ma’am, BAKIT NGAYON KO LANG NALALAMAN ANG TUNGKOL SA BLOODY INVASION PLAN NI Marcos? IPINANGANAK PO AKO NOONG 1970’s."

By Maria Lourdes Sereno

December 6, 2021

Maria Lourdes Sereno

Ang US Congress hearing sa INVASION PLAN ni Marcos ay ginawa noong 1987. Walang widely available cable television noon sa Pilipinas. At ang internet naman ay naging widely available lang sa Pilipinas starting 1994.

Sa Pilipinas, alam namin na nag-iinstigate si Marcos ng mga coup d’etat laban kay Cory, kasi si Arturo Tolentino na vice presidential candidate ni Marcos sa 1986 snap presidential election ang nag-announce na nagte-take over siya sa government with the authority of the then-exiled Marcos.

Pero wala kaming chance na maintindihan how extensive the invasion plan was – 10,000 armed force for 3 months, with two landing points, and with sophisticated weapons. At hindi sila titigil hanggang hindi nila mai-hostage si Cory. Iyang ganyang extent ng planning at active financing attempts, hindi namin alam. I was 27 years old then, and already a lawyer.

Ang mga kagaya ko at older, binuhos namin ang oras sa pagbuild ng pamilya at career. Hindi namin nabantayan ang pangangailangan ng nation-building at democracy-building.

Hindi namin nabantayan ang Facebook at ibang socmed apps. Iyun pala, yung kakaunti na mga popularly-available materials tungkol sa corruption at violence ng mga Marcos at kaniyang Martial Law, hindi naa-update, at natatabunan na nga ng mga fake information na more than a decade na palang ipinapalaganap. Note po, 2004 lang ang Facebook na-establish. Hindi namin inakala na it will take over many of the functions of traditional media in many ways.

At ito nga, September ko lang na-discover na meron na palang alternate universe na na-create ang mga Marcos apologists, at ito na ang naka-dominate sa socmed. Wala naman enough voices in socmed na nagpakita ng totoong nangyari.

Hindi ko alam all this time, na pati recorded facts sa buong mundo, at pati Supreme Court at Sandiganbayan decisions ay na-distort na pala ng mga socmed feeds. So I am trying to do my part in doing what is right for our country. Kaya kung ano ang formal at official sources, pati from international sources ay inilalahad ko ngayon. Napakalaking gap kasi. Siyempre po, kailangan tiyagain buksan ang maraming credible links na inilagay ko. At dahil sa ingat ko, mas mahaba kaysa usual FB articles ang meron sa page na ito.

Wala na po akong oras na gawan ng mas popular versions, gaya ng Youtube at Tiktok videos ang mga posts ko, upang mabalikan ng lahat ang recorded history natin na nasa mga libro, news articles at long video documentaries na nasa wikang Ingles. Kayo na pong mga nakakasubaybay ng mga inilalahad ko dito ang inaasahan natin na gagawa ng mga popular versions nito.

Salamat po. 

Maria Lourdes Sereno
SHARE