MGA BAGAY NA IPINAPASALAMAT NATIN

By Maria Lourdes Sereno

December 1, 2021

Maria Lourdes Sereno

Hindi ko po inakala ang lalim ng kakulangan ng impormasyon ukol sa nangyari sa Pilipinas sa ilalim ni Marcos, at sa mga hamon na kailangang harapin ng mga sumunod na pamahalaan. Dati, makapaghayag lang ako ukol sa general theme na hindi na dapat maulit ang pagdeklara ng Marcos type of Martial Law, ay inakala kong nakapag-ambag na ako sa katungkulan na ipaalala ang leksyon na nawa’y huwag na itong maulit.

Hindi ko rin akalain na madami na ang nakalimot o hindi nakakaalam sa ating kasaysayan. Kaya’t ako ay nagsimulang magpaalala nitong Oktubre lamang, bilang response sa mga comments dito na taliwas sa alam kong nangyari. Isang taon pa lamang ako sa socmed, at hindi ko akalain na nagamit na ang socmed upang ipalimot o baluktutin ang ating kasaysayan.

Dahil ang puso ko ay puso ng guro at huwes, ikinagagalak ko at pinapasalamatan ang ganitong mga developments:

1. Itinataas ng maraming netizens ang standards of truth at reliable sources. Nararamdaman ko ang appreciation nila sa mga responsableng pahayagan, kasama na ang mga internationally-reputable sources. Ipinapaalala ng marami na huwag panghawakan ang mga tiktok at youtube videos na ginagawa lang ng voice-over at ng mga taong nagkukubli at hindi accountable.

2. Kinukumpara na nila ang claims ng mga vloggers at bloggers sa mga Supreme Court decisions at official reports ng mga agencies involved.

3. Greater willingness at kakayahan na maintindihan ang komplikado, at kalimitan, may kakulangan na justice system upang hindi malusaw ang katotohanan kung may sala ba o wala ang isang pamilya sa bayan.

4. Mas malakas na consciousness sa paggamit ng responsableng salita, at paggalang sa totoong limitasyon ng ating mga karapatan.

5. Pag-reject ng mga pahayag ng mga taong lakasan-ng-loob lang ang puhunan, pagmumura, at ang perception na immune o exempted sila sa parusa dahil close sila sa ruling parties.

6. Pag-raise ng genuine issues na huhubog sa kinabukasan ng ating salinlahi.

7. Awareness that we should aim for the best version of ourselves, na kaya ng mga Pilipino na itaas ang bandera ng lahi papunta sa goodness and excellence at hindi pababa sa burak.

So friends, tuluy-tuloy lang tayo, journey natin itong mga Pilipino. Hanapin ang katotohanan at kabutihan. Huwag mapagod magpaliwanag at magpaalala sa ating mga kababayan na hindi natin kailangang tanggapin ang kadiliman.

Maraming salamat po. Thank You, Lord. 

SHARE