NANDIYAN KA SA MASS O WORSHIP SERVICE, AT KAHIT KUMAKANTA KA NG PRAISE SONGS AY HINDI MO MABURA ANG KATOTOHANAN NA BUKAS, MAPIPILITAN KANG MAGBIGAY NG KOTONG MONEY SA MGA PULIS SA LUGAR NINYO; KUNG CORRUPTION ANG NAKAKABAHALA SA IYO, BAKIT HINDI IYAN ANG PAG-USAPAN SA CHURCH?
By Maria Lourdes Sereno
Iyang title ng post natin ang marahil na sumasagi sa isip ng maraming negosyante na nasa worship service o misa ngayon. At matagal na nilang iniiyak sa Lord na sana matigil na ang practice na ito.
Marami pong nagsasabing nababahala sila sa laganap na kotongan sa iba’t ibang klase ng negosyo. Mula sa simpleng goodwill o protection money sa ilang mga pulis sa mga negosyong nasa isang area, hanggang sa mga letters mula sa BIR na halatang shakedown lang, alam nating lahat na mali ito.
Mali ito, laganap ito, ngunit hindi natin pinag-uusapan ang ganitong topic sa pulong kung saan mayroon tayong maiisip na konkretong solusyon—sa ating samahan ng pananampalataya.
Bakit po doon dapat pag-usapan? Dahil ayaw na ayaw ng Diyos ang corruption, in any form. At ano ang ayaw ng Diyos ay kailangang pag-usapan kung paano puksain sa mga assembly na binabasa ang Salita Niya. At pinapangako naman ng Diyos that He will enable us to fight evil. Ito po ang ilang mga foundational truths sa paksang ito:
“Righteousness and justice are the foundation of Your throne; Mercy and truth go before Your face.” (Psalm 89:14)
“For I, the Lord, love justice; I hate robbery and wrongdoing.” (Isaiah 61:8a)
So, kung ang justice ay mahal ng Diyos, at ang pangongotong ay hated Niya, dapat nating pag-usapan how we can love what God loves, and hate what God hates. Ano po ang sinasabi sa Bible tungkol sa passion ng Christians sa heart nila?
From Jesus: “If you love me, You will keep my commandments.” (John 14:15)
From Paul: “Let love be genuine. Abhor what is evil. Hold fast to what is good.” (Romans 12:9)
From the Psalms: O you who love the Lord, hate evil!” (Psalms 97:10a)
If we fellowship to strengthen our love of God as communities of Jesus followers, dapat lumalakas ang righteousness at justice sa lipunan natin. Kasi hindi puedeng walang epekto ang Word of God sa pagpadaloy ng kabutihan sa lipunan.