NABABAWASAN O NADI-DILUTE BA ANG GOSPEL OF SALVATION SA PAGKO-CALL OUT NATIN NG ACCOUNTABILITY NG POWERFUL SA LIPUNAN?
By Maria Lourdes Sereno
Hindi po, kundi, nae-enhance pa nga ito. Lalo na if it promotes kung ano ang pinapahalagahan ni Jesus.
Study after study shows na ang isang nakaka-turn-off sa mga tao, especially sa mga kabataan, from organized Christianity, ay ang tinatawag na pagiging split-level o “syncretistic” nito (technical terms po ito ng mga scholars).
Kay Jesus, walang room for split-level Christianity, o yung Kristiyanismo na pang-Linggo lamang pina-practice, at from Monday to Saturday ay galaw ng mundo ang sinusundan.
Ang sabi ni Jesus, sa isang condemnation sa religious leaders:
“Woe to you, scribes and Pharisees! For you pay tithe of mint and anise and cummin, and have neglected THE WEIGHTIER MATTERS OF THE LAW: JUSTICE AND MERCY AND FAITH. These you ought to have done, without leaving the others undone.” (Matthew 23:23)
Mabigat po ang paggamit ng warning na “Woe to you!” Ito ay indikasyon ng status sa mata ng Diyos ng mga religious leaders na hindi binibigyan ng mabigat na pansin ang WEIGHTIER MATTERS OF THE LAW: JUSTICE AND MERCY AND FAITH!
In a real way, malakas na udyok ito sa ating buong bansa, na magrepent sa kakulangan ng pagbibigay-halaga sa JUSTICE AND MERCY AND FAITH.
Any preaching o church direction that follows Christ’s instruction ay hindi maaaring i-consider na dilution ng Gospel of Salvation. In fact, it shows that the Gospel of Salvation has produced works of righteousness in society. Kung sobrang kulang ang presence ng katarungan sa Philippine society, how can we even say we are listening to our Lord Jesus Christ?