IDINEKLARA NA PERSONA NON GRATA O BANNED SA SWITZERLAND SI FERDINAND MARCOS SR. AT ANG KANYANG BUONG PAMILYA
By Maria Lourdes Sereno
November 30, 2021
Makamandag ang epekto ni Ferdinand Marcos Sr. sa mga institusyon ng iba’t ibang bansa. Sinisi ng marami ang US sa matagal nitong pagkunsinti kay Marcos sa pang-aabuso niyang ginawa sa bayan. Nabulabog maging ang mga korte nila, at ang kanilang mga policies na parang naging unconditional support sa repressive regimes gaya ng kay Marcos, ay kinailangang i-revise. Dinagdagan ng human rights at anti-corruption elements ang kanilang foreign policy dahil sa leksyon mula sa Marcos regime.
Napaso din ang Japanese government. Nagkaroon sila ng political crisis nung nabulgar ang sistema ng pagkokotong ni Ferdinand Marcos Sr. sa mga Japanese corporations. Ang mga corporations kuno, na ma-aawardan ng infrastructure development contract sa ilalim ng Japanese Reparation Fund para sa World War II damage and death ng mga Pilipino, ay hinihingan ni Marcos ng 15% commission. Idinedeposito naman ang kotong na ito sa HongKong branches ng secret Swiss bank accounts ni Marcos. Tinawag tuloy ang season na iyon as the season of the Marcos Diet (Japanese Parliament) dahil hiyang-hiya ang gobyerno sa malawakang pagnanakaw ni Marcos sa pera ng mga Hapones, na pang-repair sana ng relasyon ng mga Hapon sa napinsala nilang mga Pilipino. Kalahating milyon ang namatay sa giyerang iyon. Naipost na natin ito dati.
Sino namang mag-aakala na pati ang Switzerland, ay tatanggihan ang anumang association with Ferdinand Marcos Sr., eh sila ang pasimuno ng secret banking na gustong-gusto ni Ferdinand at Imelda? Hiyang-hiya ang mga Swisso sa krimen na nagawa sa mga Pilipino ng kliyente nilang si Marcos.
Kaya’t nung sinabi ni Marcos na gusto niyang lumipat mula sa Hawaii at manirahan sa Switzerland noong 1986, ang sinabi ng gobyerno nila ay: No Way!
Nagkagulo ang Swiss government at banking sector nung nagkabistuhan na ginamit sila nang husto upang ikubli sa mga Pilipino ang ninakaw na mga yaman ng mga Marcos. Bago ito ay na-ban din ng Switzerland ang isa pang diktador na si Haiti dictator Jean-Claude Duvalier.
Basahin niyo po ang announcement na ito na PERSONA NON GRATA si Ferdinand Marcos, Sr. at ang kaniyang buong pamilya sa Switzerland.
May kinalaman kaya ang pagtakbo ni MARCOS, JR. BILANG PANGULO SA ENTRY BAN NA ITO O ANUMANG REMAINING RESTRICTIONS O ISSUES NG PAMILYA MARCOS WITH THE SWISS GOVERNMENT AT SWISS BANKS? NA-LIFT NA BA ANG FREEZE ORDER NG SWISS GOVERNMENT SA LAHAT NG ACCOUNTS NILA? Parang wala tayong nababalitaan from our government on that score.
TANDAAN PO NATIN, SA ILALIM NG ANTI-ILL-GOTTEN WEALTH LAW, WALANG TIME LIMIT O PRESCRIPTION ANG PAGHABOL NG PILIPINAS SA ILL-GOTTEN WEALTH.
 MARCOS NOT WELCOME IN SWITZERLAND
https://www.upi.com/…/Marcos-not…/4818532846800/…
 REPUBLIC ACT NO. 1379
AN ACT DECLARING FORFEITURE IN FAVOR OF THE STATE ANY
PROPERTY FOUND TO HAVE BEEN UNLAWFULLY ACQUIRED BY ANY
PUBLIC OFFICER OR EMPLOYEE AND PROVIDING FOR THE
PROCEEDINGS THEREFOR, June 18, 1955
https://www.ombudsman.gov.ph/…/Republic_Act_No_1379.pdf