ANG PANININDIGAN SA KATOTOHANAN AT KRISTIYANISMO
By Maria Lourdes Sereno
Alalahanin po natin na si Kristo ay Katotohanan. Hindi maaaring magsama ang kasinungalingan at katotohanan sa Kanyang pagkatao. Anuman ang winika Niya, hindi Niya ininda ang oposisyon—panlalait, galit at pagihihiganti—ng mga nasasaktan sa sinasabi Niya, sapagkat ang mga katotohanang ibinabahagi Niya ay magpapalaya sa mga taong nabibihag ng kasinungalingan.
Isang form ng nakakabihag na kasinungalingan ang pag-worship sa mga pulitiko, lalo na ang mga nakitaan na ng malalaking kasalanan sa bayan ngunit pilit pa ring pinagtatakpan ang mga ito.
Ipinaalala sa akin kahapon ng isang batang pastor at community leader ang sinabi ni Rizal sa kaniyang liham sa mga kababaihan ng Malolos: