PARA MAGALIT ANG MGA TAO KAY CORY SA TAAS NG PRESYO NG KURYENTE, NAGPAKALAT NG FAKE AUDIO MESSAGE NI MARCOS NA NAKIKIUSAP KUNO SI MARCOS NA BUKSAN ANG BATAAN NUCLEAR POWER PLANT

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno

May fake na audio message na pinakakalat, sabi ng iba, since 2012. Ang content nun, boses na parang kay Marcos na nakikiusap kay Cory na i-operate na ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) alang-alang sa bayan. Sabi sa still picture na kasama nito, recorded daw ito nung 1987. Tingin ko, fake ito for two reasons:

1. Yung circumstances ng pagpapakalat nito ay mula sa Marcos loyalists, at hinuhugot mula sa isang website na hindi kilala. Ini-upload daw ito noong 2012. Any statement na genuine from Marcos is usually reported in media, pero ito sa isang unknown website lang at isine-share lang ng grupo ng Marcos supporters. So hindi verified news ito, at most likely, audio recording lang ito ng isang voice talent na sing-galing ni Willie Nepomuceno. Ang dali naman na i-record sa video with audio si Marcos nung 1987, bakit walang ganito?

2. Hindi magme-message si Pangulong Marcos na buksan ni Pangulong Cory Aquino ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP). Kaya fake yung voice-over na pinapakalat na may ganung mensahe daw si Marcos in 1987. Halatang ginawa lang ito para magalit ang taumbayan kay Pangulong Aquino.

Bakit po hindi magme-message ng ganun si Marcos?

▪In 1987, naglabas na ng desisyon ang Aquino government na maghahabla sila laban sa Westinghouse, Marcos at Herminio Disini for criminal conspiracy at the same time, makikipag-negotiate sa Westinghouse at financial institutions na bawasan ang financial obligations ng Pilipinas;

▪At that time, lumabas na ang maraming technical findings tungkol sa hindi pa complete na seismic tests ngunit nag-construct na, ang shoddy workmanship ng BNPP, at nagsimula na ang US DOJ at US Securities and Exchange Commission investigation sa BNPP project. Noon, nakikipag-usap na hindi lamang ang government officials na pinilit ni Marcos na madaliin ang project, gaya ng Executive Secretary niya na si Alejandro Melchor, kundi pati na rin yung mga engineers at scientists na na-involve sa project na may objection dito ay nakikipagtulungan na sa imbestigasyon.

▪️At that time, sobrang politically sensitive ng topic na iyan kasi si Rep. Stephen Solarz ay nag-push na sa US Congress na imbestigahan ang proyektong iyan.

Matalinong abogado si Marcos. Deadly for him to push Aquino to open the project. Dead give-away o malakas na senyales yun na may personal na interes siya sa project. LALO NA, BAKIT NIYA ITUTULAK SI MRS. AQUINO NA I-OPEN YUN EH WALA PANG LICENSE TO OPERATE YUNG BNPP FROM PAEC AT HINDI PA SIGURADO KUNG SAFE NA TALAGA? EH DI LALO SIYANG NALAGOT SA BATAS KASI SIYA ANG LALABAS NA PRINCIPAL INSTIGATOR NG PAGBUBUKAS NG PROYEKTO NA WALA PANG LISENSYA AT CERTIFICATIONS?

Ang PAEC po ay ang Philippine Atomic Energy Commission. Sinasabi sa isang international na artikulo ng CNN International/Fortune Magazine na tumakas sa Pilipinas si PAEC Commissioner Liberado Ibe kasi hindi maatim ng konsyensya niya na bigyan ng License to Operate ang BNPP.

SO, IYANG AUDIO NI MARCOS NA NAKIKIUSAP KAY PANGULONG AQUINO NA BUKSAN ANG BNPP AY ANOTHER BUDUL-BUDOL FOR THE POLITICAL COMEBACK OF THE MARCOSES.

Ginagalit ang tao para sisihin si Aquino sa taas ng presyo ng kuryente. Hindi nito sinasabi sa nakikinig, na si Marcos mismo ay nagsabi in 1979 na hindi safe ang BNPP.

Ano po ulit ang sinabi ni Marcos in November 1979 sa Letter of Instruction No. 957: AS DESIGNED, UNSAFE ANG BNPP at PINATITIGIL NIYA ANG PROJECT HANGGAT HINDI FUNDAMENTALLY BABAGUHIN ANG DESIGN, AT HANGGAT HINDI MAGDADAGDAG NG MARAMING SAFEGUARDS PARA PROTEKTAHAN ANG PUBLIKO.

After 1979, wala nang deklarasyon sa official records kung na-satisfy ang hinihingi ng pamahalaan. Sinabi ng Westinghouse na nabuo na nila ito noong 1985, ngunit wala nga itong mga lisensya o certifications na kailangan para masabing kumpleto ito, na nabuo ang lahat ng parte nito ayon sa specifications, at kung safe nga ito na i-operate.

Gaya ng nasabi ko na sa isang post, mismong ang Duterte government ang nagsabing HINDI PA HANDA ANG PILIPINAS PARA SA ISANG FULL NUCLEAR PROGRAM. Ibig sabihin, hindi pa rin nito kayang buksan ang BNPP.

Ito po ang links ng article ng VERA Files tungkol sa circumstances ng pagkalat ng fake audio message na ito, ang 1979 opisyal na deklarasyon ni Marcos na UNSAFE AS DESIGNED ANG BNPP sa LOI 957, at ang international news article ng CNN International/Fortune Magazine ukol sa imbestigasyon ng US DOJ at US SEC ng BNPP project at ang statement ni US Representative Stephen Solarz na magko-conduct ang US Congress ng imbestigasyon:

https://verafiles.org/…/vera-files-fact-check-marcos…

https://www.officialgazette.gov.ph/…/letter-of…/

https://money.cnn.com/…/fortune_archive/1986/09/01/67989/ 

SHARE