32 YEARS OLD LANG SI MARCOS NOONG 1949, FAKE PO YUNG SINASABING RICHEST MAN IN THE WORLD NA SIYA KASAMA NG ISANG FR. DIAZ, AT HUWAG PO KAYONG UMASA NA MAY IPAMUMUDMOD NA TALLANO GOLD

By Maria Lourdes Sereno

October 30, 2021

Maria Lourdes Sereno

Marami pong kumakalat na kwento sa socmed na noong 1949, si Ferdinand Marcos Sr. at si Fr. Diaz ang two richest men in the world dahil sa Tallano gold. Sa unang tingin pa lang, malinaw na kasinungalingan iyan. Noong 1949 po, 32 years old pa lang si Marcos! Obvious po, na purong imbento iyan. Ngunit kailangan po nating i-debunk ito publicly para huwag nang umasa ang mga taumbayan na ipamimigay daw yung Tallano gold, lalo na kung manalo si Bongbong Marcos sa pagka-Pangulo. Upang tanggalin ang maling expectation, na isang form of manipulation, dapat po si Bongbong Marcos mismo ang mag-deny sa kwentong iyan. Asang-asa po ang iba sa instant financial package na akala nilang matatanggap nila.

Si FERDINAND MARCOS SR. ay ipinanganak noong 1917. At 2 years after his bar examination in 1939, pumutok na ang giyera at nagtagal ito hanggang 1945. Sinasabing active pa rin sa United States Armed Forces in the Far East si Marcos until 1947. At dahil guho pa ang imprastruktura after the war, imposible na magkaroon ng libu-libong tonelada ng gold na ibibigay ang kahit sinong pamilya sa kahit kanino. At imposible yung sinasabi ng iba na bayad daw ito para sa serbisyo ni Ferdinand Marcos para sa kaso ng mga Tallano family ukol sa lupa. Unang una, wala ngang ganong pamilya. Naipakita na po natin sa 2 earlier posts, at ng iba pang writers at historians, na guni-guni lamang na may Tallano royal family na nagmay-ari ng Pilipinas. At imposible naman pong in 2 years time, ang 32 year old Marcos, na hindi naman kilalang may batikang law practice at bagong salta pa lang sa propesyon ng abogasya, ay nakatapos at nakapanalo na ng kasong napakalaki. In the first place, wala naman ngang ganung kaso.

KAYA, SOBRA PONG PANG-BUDOL BUDOL na naman yang mga istoryang kumakalat tungkol sa pinanggalingan ng yaman ng mga Marcos. Kinakawawa ng mga nagpapakalat niyan ang taumbayan sa sobrang kasinungalingan, at ginagamit ang kagipitan ng marami upang ma-achieve ang agenda nila.

KAHIT ANO PA PONG RESEARCH ANG GAWIN NATIN, KAHIT SABAY-SABAY PA TAYONG TUMINGIN, WALA PONG RECORD NA NAGING RICHEST MAN OF THE WORLD SI GINOONG MARCOS, SA KAHIT ANONG CREDIBLE NA LISTAHAN.

Ang lumalabas kapag i-type mo sa google ang “list of richest men in the world marcos” may isang website na hindi disclosed ang author. At may lalabas na warning kaagad sa screen, na hindi safe ang website na ito. Huwag po kayong pumunta doon kasi baka may illegal tracker iyang site na iyan, unless meron po kayong malakas na anti-malware na installed sa inyong gadget. Ibibigay ko na lang sa inyo ang screenshots ng website na ito. Doon po nakalagay ang kahibangan na claim na si Marcos ang richest man in the world. At ang ginawa daw ng lahat ng mga institusyon natin, PCGG at lahat ng post-Marcos governments, ay nakawin ang yaman na iyon kasi inggit daw lahat sa kanya.

Ito po ang links sa previous posts ko tungkol sa fake Tallano gold story:

Totoo po ba na may Tallano family, na King ng Maharlika, na nagbigay ng mga lupa at ginto kay Ferdinand Marcos Sr. na ugat ng yaman ng mga Marcoses? TOTOO PO BA NA MAY TALLANO FAMILY, NA KING NG MAHARLIKA, NA NAGBIGAY NG MGA LUPA AT GINTO KAY FERDINAND MARCOS SR. NA UGAT NG YAMAN NG MGA MARCOS? | TugmaLahat

Paano po ba nagkakaroon ng titulo ng lupa sa Pilipinas? Posible ba yung kwento ng Marcos gold mula sa mga Tallano?
POSIBLE BA YUNG KWENTO NG MARCOS GOLD MULA SA MGA TALLANO? | TugmaLahat

SHARE