SA BIBLE PO, HINDI PAGTATAKIP NG KASALANAN SA BAYAN AT BASTA-BASTA “MOVE ON NA” ANG APPROACH NI LORD
By Maria Lourdes Sereno
Ang first order of the day sa lahat ng assemblies ng Israel, pagkatapos na mabuko ang isang malaking kasalanan, ay REPENTANCE ng buong assembly. Kung yung nagkasala ay defiant pa rin, gaya ni Dathan at Abiram, may judgment na kasunod (Numbers 16:31). Kung repentant naman, gaya ni King David after the sin with Bathsheba, pinatatawad (Psalm 51). May mabigat na consequence ang mga kasalanan sa Diyos at bayan.
Wala kang mababasa sa Bible na, “move on na lang, ang tagal na nun.” In fact, noong time ni King David, hindi kinalimutan ni Lord ang pagbreak ni dating King Saul ng treaty o kasunduan ni Joshua with the Gibeonites. Ang tagal na nung kasalanan ni King Saul, ngunit kinailangan pang si David ay gumawa ng paraan para mag-sorry sa Gibeonites bago nila malagpasan ang punishment na ginawad ni Lord (2 Samuel 21).
Hanggang ngayon, ang mga Marcos ay hindi pa nagre-repent sa nangyaring malawakang nakawan at patayan noong Martial Law. Hanggang ngayon, nag-iimbento pa rin sila ng source ng yaman nila. Hanggang ngayon, hinahabol pa rin ng PCGG ang more than PhP 125 billion na ill-gotten wealth.
Ipinagpapatuloy nila ang pagsisinungaling na ito, kahit na may conviction na of graft, may mga final judgment na of ill-gotten wealth ang Korte Suprema, at nangumpisal na sa PCGG at sa mga korte ang mga cronies tungkol sa corruption ni Ferdinand Marcos.
Kapatid at kababayan, saan mo nakikita sa Bible na dapat magmove-on na ang bayang pinagsamantalahan ng pamilyang hindi naman nagsisisi at nagsasauli ng nakaw na yaman?
In fact, what is required for us now is to stand on the truth, at hindi mag-participate sa pag-spread ng fake news. Even better, dapat tayong mga Kristiyano ang manguna sa pagbawi ng nakaw na yaman. Responsibility natin ipaglaban ang tama, ang tulungan ang bawat Pilipino na makilala ang Diyos ng Katotohanan at Katarungan. Hindi natin maituturo sa ating mga simbahan na bawal ang pagsisinungaling at pagnanakaw kung tayo ay kumakampi sa sinungaling at magnanakaw.
Ang pagmamahal ay itinatayo sa katotohanan, hindi sa kasinungalingan. Pinupuri sa Bibliya ang “open rebuke” sa makapangyarihan. Mas nagpapakita pa nga ang open rebuke ng pagmamahal sa maliliit na naging biktima ng makapangyarihan, at ng makapangyarihan mismo, kaysa ang pagtatakipan ng malaking kasalanan. Binibigyan ng pagkakataong magsisi ang nagkasalang bigating tao. Binibigyan nito ng hustisya ang mga inaapi (Isaiah 1:17, Proverbs 31:9), at sa mga kaibigan ng mga Marcos, pagpapakita ito ng pagmamahal (Proverbs 27:5,6).