HINDI PO HATRED ANG NASA PUSO NG MGA PROPETA NUNG NAG-REBUKE SILA NG CORRUPTION AT OPPRESSION NG MGA MAKAPANGYARIHAN, KUNDI OBEDIENCE TO THE LORD

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno

Ano po ang sinabi ni Jesus tungkol kay John the Baptist? “Truly I tell you, among those born of women there has not risen anyone greater than John the Baptist” (Matthew 11:11). Up to that point daw po, The Greatest Man on Earth ever pa si John the Baptist.

At paano nabuhay at namatay si John the Baptist? Sa pagre-rebuke sa mga kasamaan at sa pag-call ng repentance sa Jews. Ang pinaka-tinatamaan ng rebuking ni John, iyung pinaka-powerful: si Herod at ang religious leaders. Pati tax collectors ay tinuruan niya ng totoong repentance.

At paano natin makakalimutan ang mga propetang sina Isaiah, Jeremiah, Amos at Micah? Naku, panay rebuke at repentance ang bukambibig, balansado ng pangako ng restoration ni God sa mga magpapakumbaba at magsisisi.

No, calling out evil is not hatred; it is an act of love, especially kung ibabalik ng panawagan against evil ang tingin ng lahat kay God.

Tama na po ang pagiging comfortable natin sa evil. Wala pong kabutihang idudulot ito. The only path that is good is repentance, restitution of what was taken from the people, at pagpapatunay na meron na talagang fruits of repentance, hindi lamang mula sa naging pinaka-yumaman na pamilya sa kapangyarihan sa buong kasaysayan ng Pilipinas, kundi mula sa buong sambayanan na hinayaang maging ganitong kalala ang mga social sins natin. 

SHARE