PARA PO SA KORTE SUPREMA, ANG INIWAN NI MARCOS AY KASAYSAYAN NG ILL-GOTTEN WEALTH AT BANGKAROTENG GOBYERNO

ANG MISYON NG SUMUNOD NA MGA GOBYERNO AY MAIBALIK SA BAYAN ANG DAPAT SA BAYAN.

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno

Unanimous po ang Korte Suprema sa pangangailangan na maitayo ang PCGG o ang Presidential Commission on Good Government. Maaalala po natin na ang mga layunin ng PCGG, ay sinang-ayunan ng lahat ng Pangulo matapos kay Marcos. Sinang-ayunan po ang lahat ng desisyon ng Korte Suprema, mula sa mga nabuo sa panahon ni Gng. Corazon Aquino hanggang sa kasalukuyan, na valid ang pagtatalaga ng PCGG. Ito pong principal objective ng PCGG sa Executive Order No. 1, section 2 ay na-affirm ng Supreme Court:

“The recovery of all ill-gotten wealth accumulated by former President Ferdinand E. Marcos, his immediate family, relatives, subordinates and close associates, whether located in the Philippines or abroad, including the takeover or sequestration of all business enterprises and entities owned or controlled by them, during his administration, directly or through nominees, by taking undue advantage of their public office and/or using their powers, authority, influence, connections or relationship.”

Hindi lamang po sinang-ayunan ng korte ang katotohanan na maraming naitagong kayamanan ang mga Marcos gamit ang kanilang posisyon at kapangyarihan. Ito pa po ang characterization na ibinigay ng isang desisyon at isang opinyon ukol sa ekonomiya na iniwan ng mga Marcos. Pakinggan po natin sila:

Chief Justice Claudio Teehankee in PCGG vs. Emmanuel Peña:

“In the discharge of its vital task “to recover the tremendous wealth plundered from the people by the past regime in the most execrable thievery perpetrated in all history,” or “organized pillage” (to borrow a phrase from the articulate Mr. Blas Ople), the Commission was vested with the ample power and authority.”

“Having been charged with the herculean task of bailing the country-out of the financial bankruptcy and morass of the previous regime and returning to the people what is rightfully theirs, the Commission could ill-afford to be impeded or restrained in the performance of its functions by writs or injunctions emanating from tribunals co-equal to it and inferior to this Court.”

Napakalakas po na sumbat ng hudikatura sa mga Marcos, ano po?

Bakit nga po ba ganun ang binigay na power kina Chairman Jovito Salonga, isang tinitingalang upright leader ng mga Protestante, kay Justice Pedro Yap, Ramon Diaz, Raul Daza at Mary Concepcion Bautista ng EO 1? Dahil po napakahirap habulin ang mga tagong nakaw na yaman ng mga public officials, lalo na yung mga naitago abroad. Napakahirap po ng trabahong ibinigay sa PCGG, at ang patunay dito ay kinailangan ng higit sa isang dekada bago pumayag na i-release ng Swiss Federal government ang anim na secret accounts ng mga Marcos. Kasi po ang pundasyon ng Swiss banking ay secrecy, at hindi nila dati pinapakialaman ang legalidad o kriminalidad ng mga pondong itinatago nila. At marami pong ganyang mga bansa o teritoryo, gaya ng mga nasa Cayman Islands at British Virgin Islands kung saan ang maraming kriminal ay nagtatago ng kanilang illegal wealth. Later on po, magkwe-kwentuhan tayo ukol sa mga major reforms sa larangan ng international banking at anti-corruption, na bunsod ng kwento ng pandarambong ng mga Marcos sa yaman ng Pilipinas na nasambulat sa buong mundo. International po ang repercussions ng mga ginawa ng mga Marcos.

Balik tayo sa PCGG cases sa Korte Suprema. Ang lahat po, kahit yung mga dissenting opinions, ay tinanggap ang katotohanan na malala ang pagnanakaw ng mga Marcos sa bayan. Ito po ay excerpt sa isang dissenting opinion sa BASECO case, na hindi nag-a-agree sa specific na ginawa ng PCGG tungkol sa BASECO, ngunit makulay ang characterization niya ukol sa ginawang pagsira ng mga Marcos sa ekonomiya ng Pilipinas:

Justice Isagani Cruz in BASECO vs. PCGG:

“There is no question that all lawful efforts should be taken to recover the tremendous wealth plundered from the people by the past regime in the most execrable thievery perpetrated in all history. No right-thinking Filipino can quarrel with this necessary objective, and on this score I am happy to concur with the ponencia.”

KUNG RIGHT-THINKING FILIPINO KA, HINDI MO DAPAT BINUBURA ANG KASAYSAYAN NG PAGNANAKAW NG MGA MARCOS, AYON KAY JUSTICE CRUZ. Kaya’t hindi po dapat natin pinapayagan ang mga parang-kabuteng nagsulputan na mga Youtube at Tiktok videos, na sabihing Golden Age daw ang Marcos years. Wala pong ganong Golden Age, pati po sa paningin ng Korte Suprema.

Ito po ang links sa dalawang kasong nabanggit ko at ang Executive Order No. 1. Pakibuksan po at basahin, dahil may mga tumutuligsa sa katotohanan na ayaw namang basahin ang mga official documents.

https://lawphil.net/…/juri1988/apr1988/gr_77663_1988.html
https://lawphil.net/…/juri1987/may1987/gr_75885_1987.html
https://www.officialgazette.gov.ph/…/executive-order…/ 

SHARE