MAAARI PO BA NATING IPAGDASAL ANG ATING MGA LINGKOD-SIMBAHAN NA GINIGIPIT AT NANININDIGAN SA KATOTOHANAN AT KATARUNGAN?

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno

Paunang paliwanag: Ako po ay voluntarily nagsu-submit ng sarili ko ng accountability sa maraming church leaders: evangelical, Catholic, at may ilang mainstream Protestants. At galing po sila sa iba’t ibang pook ng Pilipinas, maging sa Mindanao. Lahat po sila, maaari akong kausapin, punahin, at pagsabihan anumang oras. Kaya’t itong pakiusap ko ng dasal para sa simbahan, ay ayon sa aking accountability sa Body of Christ.

————————

Ang comment na ito ay isa lamang sa maraming kwentong natanggap namin. Ang buod ng iba pang comments na gaya nito ay ino-offeran ang mga lider ng simbahan nila ng fee para mag-organisa para sa isang presidential campaign na very well-funded. Ang sumbong ng iba, mukhang tinanggap na ang offer, na minsan ay monthly sweldo pa. Yung kwento ng isa, mayroon pa daw lider na umaasang mababahaginan siya ng ginto.

Alalahanin po natin, sa mga hindi bumibitaw sa mga pangako ng Diyos, na hindi sila iiwan magpakailanman habang ipinapalaganap nila ang mga katuruan ni Kristo sa mga bansa (Matthew 28:19). Kasama dito ang katuruan ni Kristo na ang weightier matters of the law ay hindi yung internal rules o tradisyon ng simbahan, kundi ang “Justice, Mercy and Faith.” Kasama sa work of justice ang paglaban sa corruption at injustice na pangunahing pumipilay sa mga maliliit nating kababayan.

Hindi hahayaan ng Diyos na maglaho ang ating pag-asa para sa katarungan; tutugon at tutugon Siya sa ating ipinagdarasal na katarungan. Alalahanin po natin ang sinasabi sa Isaias 42:3:

“Ang marupok na tambo’y hindi Niya babaliin, ilaw na aandap-andap hindi Niya papatayin; katarungan para sa lahat ang Kanyang paiiralin.”

Ipagdasal po natin ang ating mga simbahan. Pumapasok na, kung hindi man nakapasok na ang usapin ng gantimpalang pinansyal, sa ating mga simbahan. Ang mismong mga simbahan ngayon, ay dumaraan sa pagsubok. 

SHARE