ITO NA PO ANG BAGONG MIND-GAME

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno

Kahit po na clear na ang specific context ng ilang posts ko ay tungkol sa ill-gotten wealth ng mga Marcos, may mahaba na pong script na pinu-push sa mga threads, compare-compare daw natin ang mga presidents. Mga nagawa ni Marcos versus the other presidents, budgets nila, etc. Pare-pareho po ang tono, pati words at listahan ng pinagmamalaki, pareho. At kung hindi ko daw gagawin yung compare-compare, napaka-biased ko naman. Ayan po, nanlilihis na naman sila. Kasi, masyadong undeniable ang facts ng pagnanakaw, hindi na ma-escape, so ibang anggulo naman. Ang tawag po diyan ay gaslighting.

Ang values na ipinaglalaban natin dito ay integrity at honesty, justice and righteousness, ngunit pilit nilang iniiba ang usapan. How devilish that kind of argumentation is. Parang nung sinabi ng devil kay Eve: “Did God really say you must not eat of the forbidden fruit?” (Genesis 3:1). Sa present context natin, parang sinasabing: “Masama ba talaga ang magnakaw, eh may nagawa naman?”

Gaslighting o budol-budol po iyan, iniiba nila ang realidad para sa ating mga Pilipino. Dinadala tayo sa alternate universe kung saan para tayong mga zombies na walang nakikitang masama sa pagnanakaw at okay lang kahit ano, basta approved ng idol nila.

Yung mga mapanlihis, mapanlinlang, mga gaslighters, malulusaw po dito. Patient lang po tayong lahat.

Salamat po. 

SHARE