VIDEOS NG KUNG SINU-SINO VERSUS SUPREME COURT DECISIONS

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno

Marami-rami na ring tumuligsa sa mga posts ko tungkol sa ill-gotten wealth ng mga Marcos. At kung re-replyan sila na may mga Supreme Court decisions naman, sasabihin nila, bayaran ang lahat ng mga huwes, lahat sila ay inappoint ng dilawan.

Ayaw nga po nilang buksan ang mga link ng mga desisyon. Sasabihan ka pa, “Asan ang pruweba?”. Mayroon pa pong comment na bakit daw itinatago ang mga ganyang usapan at hindi ipinapakita sa publiko. Iyon pala, sila-sila na lang (korte, PCGG) ang nag-uusap. Meron pa pong nagsabing bakit naglalabas ng mga desisyon at ng mga PCGG reports, dapat, confidential daw ang mga iyon.

Lately po, may nagsabi, tungkol sa CHART NG NAKAW NA YAMAN post ko, kahit sino naman daw, puedeng mag-type, kaya’t hindi niya papaniwalaan ito, kahit puno ng links sa Supreme Court decisions. Kasi daw, between yung tina-type ko lang at videos, mas kapani-paniwala ang videos.

Ganyan na po ang mga linya. Time to strongly counter po. Sinisira nila ang lahat ng institutions natin.

Salamat po. 

SHARE