CALLING ALL HISTORIANS: Ano pa po ang magiging future ng historical scholarship, kung isasaisantabi ang lahat ng pinaghirapan niyo?
By Maria Lourdes Sereno
October 23, 2021
Ito po ang topic ng aking speech ngayong umaga sa LIKAS, ang 30 year old na samahan ng mga mag-aaral ng kasaysayan sa U.P. Kasama ko po ay ang mga iskolar at propesor nila sa annual conference nila ukol sa paglinang ng disiplina ng kasaysayan.
Ako ay naniniwala, at natanto ko nga sa mga economics classes ko–sa Ateneo na pinanggalingan ng aking Economics degree, at sa UP kung saan nakakuha ako ng M.A. units sa Economics—na malaki ang kayamanan ng Pilipinas noong unang panahon. Sa yaman ba naman ng natural resources kasama na ang mga sa minahan at dagat, malinaw na dapat mayaman ang Pilipinas sa Asya. Sa katunayan, lahat ng history books at economic data na napag-aralan ko ay tungkol sa pagka-angat natin sa Asya. Kinilala tayong number 2 sa Japan bago 1965, at noong 1985 ay bagsak na tayo at tinagurian na tayong “Sick Man of Asia.”
Ang hamon ko sa mga estudyante at propesor ng kasaysayan: ginigiba na ang inyong propesyon. Ang mga pinaghirapan niyong PhD ay binabalewala. Ang pasimuno sa pagbabalewala nitong inyong mga pinagsisikapan, na mahanap at makamit ang katotohanan gamit ang masusing pagsisiyasat, ay mga political users ng industriya ng pagsisinungaling.
At ang tema ng kumperensya niyo, na kasaysayan ng ekonomiya at paghahanap-buhay, ay maglalahad na may isang trajectory na pinatutunguhan ang mga nangyayari ngayon—na ang binubuhay ng mga political users na ito, na ekonomiya at panghanap-buhay, ay ang industriya ng malakihang makinarya ng pagsisinungaling.
At ito ang banta sa mga iskolar ng kasaysayan, at sa ating buong bayan.
Nawa’y malabanan po ito ng katotohanan, tulong ng Diyos ng Katotohanan!
Salamat po!