KUNG TOTOONG “ILL-GOTTEN WEALTH” NGA, BAKIT HINDI PA NAKUKULONG SI IMELDA?
By Maria Lourdes Sereno
Ibang-iba po ang legal regime o sets of law na applicable sa kaso ng nakawan: isa para sa mga pribadong mamamayan, at ang isang set naman ay para sa mga government officials in connection with their office.
Madali pong intindihin ang pagnanakaw ng private citizens ano po? Classical o usual definitions po iyan na mahahanap sa anumang bansa. Sa atin, ang definitions at penalties po ng mga ito ay nasa Revised Penal Code. Balikan lang po natin ng bahagya:
Ang robbery po ay ang pagnanakaw na gamit ang pwersa. (Articles 293 to 304)
Ang brigandage ay yung pagnanakaw ng 3 or more armed robbers, gaya sa highway robbery (Articles 305 to 306)
Pangungupit o theft (Articles 307 to 311)
Pang-aagaw o usurpation (Articles 312 to 313)
Panggagantso o swindling (Articles 315 to 318)
Sa lahat po ng mga klase ng pagnanakaw na iyan, kailangan pong mapatunayan ang pag-aari ng nanakawan, ang bagay na ninakaw, at ang paraan ng pagnanakaw. Lahat po, bukod sa pagsauli ng ninakaw, kailangang maparusahan ng pagkakakulong.
Ibang-iba po ang batas sa “nakaw na yaman” ng mga public officials. Unang-una, kinikilala ng batas na napakadaling gumawa ng kabuktutan ang public officials, gamit ang kapangyarihan ng opisina nila. Kaya’t upang mahadlangan ang kabuktutan sa public office, mayroong pong mga tools na ginagamit ang batas. Gaya po ng tinatawag nating “presumptions” sa batas, na maaari namang pabulaanan ng nasasakdal. Ang pinakasikat po na mga presumptions na ito, ay ukol sa “ill-gotten wealth” sa ilalim ng “Ill-Gotten Wealth Law.”
Ang Ill-Gotten Wealth Law (R.A. 1379) ay naging effective noong 1955, ten years bago naging pangulo si Ferdinand Marcos Sr. Ito pong Section 2 ang pinakamahalagang probisyon nito:
“Section 2. Filing of petition. Whenever any public officer or employee has acquired during his incumbency an amount of property which is manifestly out of proportion to his salary as such public officer or employee and to his other lawful income and the income from legitimately acquired property, said property shall be presumed prima facie to have been unlawfully acquired. The Solicitor General … shall file, in the name and on behalf of the Republic of the Philippines, … a petition for a writ commanding said officer or employee to show cause why the property aforesaid, or any part thereof, should not be declared property of the State.
So, unang-una po, kailangan ng Republic of the Philippines i-allege ang (1) salary ng official from government; at ang (2) other lawful income, as well as income from legitimately acquired property. Iko-compute niya ito using the SALN as well as the Income Tax Returns of the official. Ang pwede pong depensa ng government official ay ang ipakita ang legitimate origin ng assets na gustong mabawi ng government. Kung mapatunayan ng government official na legitimately acquired niya ang asset na iyon, walang “ill-gotten wealth” na judgment.
Ito po ang distinction sa batas ng legitimate at illegitimate properties ng isang government official other than his salary from government:
“Section 1. (b) “Other legitimately acquired property” means any real or personal property, money or securities which the respondent has at any time acquired by inheritance and the income thereof, or by gift inter vivos before his becoming a public officer or employee, or any property (or income thereof) already pertaining to him when he qualified for public office or employment, or the fruits and income of the exclusive property of the respondent’s spouse. It shall not include:
“1. Property unlawfully acquired by the respondent, but its ownership is concealed by its being recorded in the name of, or held by, the respondent’s spouse, ascendants, descendants, relatives, or any other person.
“2. Property unlawfully acquired by the respondent, but transferred by him to another person or persons on or after the effectivity of this Act.
“3. Property donated to the respondent during his incumbency, unless he can prove to the satisfaction of the court that the donation is lawful.”
Sa 2003 Decision ng Korte Suprema, makikita niyong metikulosong sinunod ng Sandiganbayan at ng Korte Suprema ang R.A. 1379, kaya sila naka-abot sa konklusyon na nakaw nga ang laman ng 5 Swiss accounts ng mga Marcos na “manifestly out of proportion” sa legitimate income nila. Ayon sa batas, ang administrative at criminal aspect ng sitwasyon ay hiwalay na proceedings. Hanggang declaration of “ill-gotten wealth” at forfeiture lang ng asset na pinaglalabanan ang kayang gawin ng korte, hindi pagkakakulong. Kaya po in the case of Imelda Marcos, meron pa po siyang hinaharap na criminal cases. Isa nga po doon ay may 7 counts of conviction for graft and corruption na inaapela pa sa Supreme Court. Kaya hindi pa po siya nakakulong. Sa ibang post na po natin iyon tatalakayin.
So, kung umaangal po kayo sa aplikasyon ng Korte Suprema ng probisyon ng Ill-Gotten Wealth Act sa mga Marcos, ito po ang prino-promote niyo:
Na ang bawat empleyado sa gobyerno ay maaaring magtago ng nakaw na ari-arian, kasi sobrang hirap patunayan kung saang specific pondo ng gobyerno yun nanggaling;
Na maaaring mag-sideline ng kung anu-anong kupit at pangongotong ang mga government officials kasi halos hindi mo sila mahuhuli, kasi yung kanilang kapangyarihan, at yung fact na walang private party na hahabol sa kanila, ay gagamitin nilang motivation na magnakaw.
Ang Ill-Gotten Wealth Law ay kailangan para mabigyan ng weapon ang taumbayan, upang mapag-labanan ang katiwalian at pang-aabuso ng kapangyarihan ng public officials. Hindi ba dapat kampihan natin ang efforts para mabawi ang mga ill-gotten wealth?
Ito po ang link sa 2003 Decision na nag-declare na ill-gotten wealth ang laman ng 5 Swiss accounts ng Marcos family:
- 2003 SUPREME COURT DECISION NA FORFEITED ANG USD 658,175,373.60 SA 5 SWISS FOUNDATION ACCOUNTS WITH INTEREST AS OF 2002 JANUARY NA ILL-GOTTEN WEALTH O NAKAW NA YAMAN NG MGA MARCOSES
https://elibrary.judiciary.gov.ph/theboo…/showdocs/1/48708
Ito naman po ang link ng R.A. 1379: