MGA SUPREME COURT DECISIONS NA NAGSASABING NAKAW NA YAMAN ANG HINAHAWAKAN NG MGA MARCOSES

By Maria Lourdes Sereno

May mahahalaga at naaangkop na mga katanungan para kina Gng. Imelda, Sen. Imee, Sen. Bongbong at Gng. Irene Marcos (ukol sa 5 Swiss Bank Accounts):

1) Sa kaso ng Republic of the Philippines vs Sandiganbayan, and Heirs of Ferdinand Marcos, namely Imelda, Imee, Ferdinand Jr. and Irene Marcos-Araneta (G.R.No.152154), sinabi ng unanimous Supreme Court noong 2003, ang mga sumusunod:

1.1) “An examination of … Respondents’ (ang Marcos heirs) Answer : … respondents failed to specifically deny each and every allegation contained in the petition for forfeiture in the manner required by the rules. All they gave were stock answers like “they have no sufficient knowledge” or “they could not recall because it happened a long time ago,” and as to Mrs. Marcos, “the funds were lawfully acquired,” without stating the basis of the assertions.”

Ibig sabihin po, assert assert lang, sabi-sabi lang, wala namang pruweba na ibinigay ang mga Marcoses, sa usaping ang mga pera ng 5 Swiss Foundations na iyan ay perang lehitimo ni G. at Gng. Marcos at hindi nakaw o ill-gotten.

Philippine Constitution

 

1.2) Sinabi pa ng Supreme Court na hindi depensa ang inihain ng mga Marcos children, at ang gawain ng ama at ina nila, ukol sa Swiss funds, ay bound sila kasi sila ang tagapagmana kay Ferdinand Marcos Sr.:

“Thus, the general denial of the Marcos children of the allegations in the forfeiture ‘for lack of knowledge or information sufficient to form a belief as to the truth of the allegations since they were not privy to the transactions’ cannot rightfully be accepted as a defense because they are the legal heirs and successors-in-interest of Ferdinand E. Marcos and are therefore bound by the acts of their father vis-a-vis the Swiss funds.”

1.3) Ito lamang ang lehitimong kita ni G. at Gng. Marcos-PhP 2,319,583.33 (USD 304,372.43) ayon sa pinagsama-samang pag-analisa ng kanilang: (a) pinakahuling na-file na SALN noong 1965 na ang sabi nila ang net worth nila ay PhP 120,00; (b) ang combined salaries ng mag-asawa for 20 years mula sa gobyerno totalling PhP 2,319,583.33 (USD 304,372.43) na inamin ni Gng. Imelda sa kaniyang Answer; at (c) ang Income Tax Returns at attachments ng mga ito mula 1965 to 1984.

1.4) Hindi tinanggap ng Supreme Court ang claims ng ITR na may law practice income si G. Marcos sapagkat wala siyang known law office o client, walang identified na payor ng services niya sa ITR, at absurd na binabayaran pa rin siya 20 years after bawal na siyang kumita from law practice noong siya ay naging presidente in 1965.

 

1.5) Hindi rin maaaring tanggapin ang claims ng ITRs ng mag-asawa na mayroon silang “Other Income” o “Miscellaneous” na income kasi wala namang identification kung sino ang mga payors nito.

Kaya pinasauli ng Korte ang laman ng 5 Swiss Foundation accounts na ito na nagkakahalagang USD 658,175,373.60 as of January 1, 2002, with interest.

TANONG: Ang sabi ng Korte Suprema, USD 304,372.43 lang ang legitimate income ng mag-asawang Marcos, saan nanggaling ang yaman na ginugugol niyo ngayon na malinaw na napakalaki?

a) Wala kayong naipakita sa mga korte na titulo ng lupa na panggagalingan nito,
b) Wala kayong naipakita na mga gold bars na lehitimong sa inyo,

HINDI KAYA ITO AY GALING sa nire-report ng PCGG na PhP 125 billion pa na hinahabol nila sa inyong pamilya? Nakahabol na daw ng total of PhP 174 billion ang PCGG, ngunit ang layo pa rin ng hahabulin nila na PhP 125 billion.

ANG GINAGASTOS NIYO BA para makabalik sa pwesto ay maaaring ninakaw ng mag-asawang Ferdinand at Imelda sa mga Pilipino, na hinahabol pa rin naming taumbayan hanggang ngayon? Pakisagot po ng maayos. Salamat po.

Ito po ang links ng unanimous Supreme Court decisions finding the Marcoses holding ill-gotten wealth:

SHARE