Outside nga ba si God at ang Spiritual Things sa Usapang-Bayan ayon sa Konstitusyon?

By Maria Lourdes Sereno

Sa lenggwahe ng Konstitusyon, pasok ang “spiritual things” sa usapang-bayan, gayundin din ang usapan tungkol sa Diyos.

Mababasa sa Pambungad ng Konstitusyon sa Preamble ang paghingi ng tulong sa “Almighty God” upang ang “Sovereign Filipino people” (sambayanang Pilipino) ay makabuo ng isang “just and humane society” (makatarungan at makataong lipunan).  Malinaw na ang nagsusumamo sa Diyos at ang humihingi ng gabay at empowerment sa Preambulo ng Konstitusyon ay ang mismong taumbayan. Diretso ang paghingi ng tulong at empowerment sa Diyos para sa ganyang mithiin at kasangkapan lamang ng taumbayan ang gobyerno sa layuning ito.

Sa panunumpa naman sa tungkulin (oath of office) ng Presidente o Bise-Presidente, kinikilala rin ng Konstitusyon na ang pinakahuling pangungusap sa panunumpang ito ay maaaring isang anyo ng paghingi ng tulong mula sa Diyos. “So help me God,” ika nga.

Integral Faith
Illustrated by Kelly
Integral Faith
Integral Faith
Integral Faith

Ang paghingi ng tulong sa Makapangyarihang Diyos ay sinasamahan ng Konstitusyon ng tuwirang pagkilala sa spiritual dimension ng Filipino psyche at social life. Tahasang inaatasan ang estado sa Article II na suportahan ang karapatan at tungkulin ng mga magulang sa  “development of moral character” o sa paghubog ng magagandang kaugalian ng kanilang mga anak. Utos din ng Konstitusyon na isulong ang “moral” at “spiritual well-being” ng kabataan.

Sa edukasyon, nakasaad din sa Article XIV ng Konstitusyon ang ating kurikulum na, “shall … strengthen ethical and spiritual values, develop moral character” etc. At maaaring ituro ang relihiyon kahit sa pampublikong paaralan ng elementarya at hayskul at ito ay ayon sa kagustuhan ng mga magulang.

Sa Article XV on the Family, malinaw na isinasaad ng Konstitusyon ang duty of the state to defend the “right of the spouses to found a family in accordance with their religious convictions.” At ang mga families or family associations have “the right … to participate in the planning and implementation of policies and programs that affect them.”

Ang probisyon na “The separation between church and state shall be inviolable” ay ang pagbabawal na patakbuhin ng anumang sekta o simbahan ang mga gawaing pang-gobyerno, at ang katumbas ring pagbabawal na hindi dapat pakialaman ng gobyerno ang panloob na pamamahala at religious practices ng mga simbahan. Hindi rin dapat sinasa-batas ang pagtataguyod ng isang relihiyon at ipinagbabawal din naman ang anumang pagpigil sa “free exercise and enjoyment of religious profession and worship.”

Ang mga probisyong ito ay hindi nagbabawal sa pagbibigay ng opinyon na panlipunan na batay sa espiritwalidad. Makikitang mahalaga ang usapang spiritual sa pagbuo ng katauhan ng mga kabataan, at sa pagbuo at sa pamumuhay ng isang pamilya. Kaya’t walang dahilan upang mangimi ang sinumang Pilipino na ibahagi ang kanyang opinyon ukol sa ugnayang espiritwal at mga gawaing pambayan at panlipunan.

Basahin po natin ang mga  ito: Preamble, Art. II, sections 6, 12, 13; Art. III, sec. 5; Art. XIV, sec. 3 (2) and 3 (3)5; Art. XV, section 3 (1) and 3 (4).

SHARE