SI MARCOS PO, AT HINDI SI NINOY, ANG UNANG NAG-SUGGEST IN 1977 SA ASEAN SUMMIT SA KUALA LUMPUR, MALAYSIA, NA MAAARING I-DROP NA NIYA ANG CLAIM NG PILIPINAS SA SABAH
By Maria Lourdes Sereno
Wala po akong balak dati na mag-post tungkol sa Sabah. Ngunit paulit-ulit po ang comments ng mga tumutuligsa sa mga posts ko na traydor daw si Ninoy Aquino at ibinenta daw niya ang Sabah. Yun ang sinasabi nila even sa posts ko na walang relevance kay Ninoy. Ang alam ko, ayon sa Konstitusyon, ni minsan ay hindi nagkaroon si Ninoy ng pagkakataon para gawin iyong sinasabi nilang pagbebenta ng Sabah. Bilang senador, political prisoner, private person na guest ng US government ay never nagkaroon si Ninoy ng role na i-push ang pag-drop ng Sabah claim. Kasi under the Constitution, ang pag-initiate ng foreign affairs policy ay nasa poder exclusively ng Presidente. Dahil hindi lapat yung comments na iyon sa alam kong totoo, binalikan ko ulit ang official documents ng Pilipinas at verifiable sources, para i-check ang hunch ko.
Ayun, nakita ko, na si MARCOS pala, hindi si Ninoy, on August 6, 1977, ANG UNA NA NAG-SUGGEST NA I-DROP NA NG PILIPINAS ANG CLAIM NITO SA SABAH. Saan po niya sinabi ito? Sa 1977 ASEAN SUMMIT ng mga pinuno ng ASEAN countries, nag-deliver po si Marcos ng isang speech na ito ang nilalaman:
“Before ASEAN can look to the outside world for equity, for justice and fairness, we must establish order, fairness and justice among ourselves. As a contribution, therefore, I say in earnest to the future of ASEAN, I wish to announce that the Government of the Republic of the Philippines is therefore taking definite steps to eliminate one of the burdens of ASEAN, the claim of the Philippine Republic on Sabah. It is our hope that this will be a permanent contribution to the unity, the strength and prosperity of all of ASEAN.”
Ano po ang naging response ng international community sa statement na ito ni Marcos?
“The Philippines announced it was taking ‘definite steps’ to end a 14-year territorial dispute with Malaysia over Sabah … (I)t was immediately welcomed by the Malaysian Prime Minister, Datuk Hussein Onn. Singapore’s Prime Minister, Lee Kuan Yew, described the statement as ‘momentous.’ “ – Michael Richard, The Age, Australia
“At the opening session of the ASEAN Summit in Kuala Lumpur on August 6, 1977, President Marcos made a dramatic announcement regarding the Philippine claim on Sabah ‘that drew the loudest applause among the ASEAN heads of state,’ but surprised the Filipino people. … The Philippine newspapers reported on August 30, 1977, that the Philippine claim of sovereignty and jurisdiction has been genuinely renounced.’’ – Flores, Reyes and Sabio, citing the Digest of Philippine Foreign Policy, 1972-1979, Bulletin Today, October 1, 1979 and October 29, 1979.
“President Marcos said today (February 24, 1984) he had proposed talks with Kuala Lumpur on the Philippines’ promise to drop its claim to the Malaysian state of Sabah after the parliamentary elections in May… During a summit conference of leaders of the Association of Southeast Asian Nations in Kuala Lumpur in 1977, Marcos pledged to drop the Philippines longstanding claim to Sabah.” – United Press International.
Iyan po ang nakita kong verifiable sources ng tanong kung sino ba ang unang nag-suggest na i-drop ang claim ng Pilipinas sa Sabah. Mukhang maliwanag na si Ferdinand Marcos po ang nag-suggest nito, bagamat hindi niya ito itinuloy. Kaya makikita natin sa iba’t ibang statements ng Malaysian governments, ang kanilang palaging challenge na ituloy na ng Philippine government ang naunang suggestion ni Marcos.
Ang sabi ng kilalang historian na si Professor Alvin Campomanes, nagsimula ang kwento-kwento tungkol kay Ninoy mula sa isang news article na isinulat ni Janvic Mateo. Ayon kay Mateo, na ayon daw kay Hermes Dorado, na ayon naman kay Hermes Dorado, na ayon naman daw kay dating Heneral Rafael Ileto, na ayon naman daw sa “intelligence information” nila, nakipag-usap daw si Ninoy kay Malaysian Prime Minister Mahathir noong 1983. Ayon daw sa fourth-hand “intelligence information” na ito, sinabi daw ni Ninoy na kung tutulong si Mahathir sa pagpapabagsak kay Marcos, ay ida-drop niya ang claim ng Pilipinas sa Sabah. Hindi lang ito double hearsay, quadruple hearsay pa. At wala ni isang record na magpapatunay na nag-usap si Ninoy at si Mahathir. Ayon kay Campomanes, mismong si Dorado na source ng triple hearsay na ito ay umamin na walang magpapatunay sa kwentong ito. Sa article ni Professor Campomanes ko nakuha yung lead tungkol sa ASEAN Summit statement ni Marcos.
Kung totoong nangyari ito noong 1983, dapat noon pa natin narinig iyan, ngunit noong 2013 lang lumabas, 30 years after namatay si Ninoy. Parang yung fake audio message ni Marcos tungkol sa BNPP; lumabas daw ito noong 2012, 25 years after sinabi daw ito ni Marcos. (May post po ako tungkol dito). Amoy preparasyon para sa 2016 elections.
Meron pa. Ginawa ng mga nagpapakalat nitong fake news ang pag-splice ng video ni Professor Xiao Chua. Yung mahabang lecture ni Professor Chua sa Youtube ukol sa Sabah claim, ay pinutulan ng isang portion at dinikit sa ibang video para palabasin na trinaydor ni Ninoy ang Pilipinas, samantalang inilalatag lang naman ni Professor Chua ang istorya ng magkabilang panig. So pati ito, pineke. Shoutout ito kay Prof. Chua. Baka hindi niyo po alam na ginagamit na ang spliced portion ng lecture niyo sa maling paraan.
Bakit po nila ginagawa ito? Kung pagbabasehan ko ang mga comments na galit na galit kay Ninoy, na-achieve na nga ng fake news na ito ang campaign of hatred kay Ninoy. Ginawa nilang super villain si Ninoy. Kung titingnan naman natin, isang private citizen na si Ninoy Aquino noong 1983. Nagbago na siya ng pananaw sa buhay dahil nakilala niya si Kristo habang siya ay nag-iisa sa pagkaka-kulong na iniutos ni Marcos. Nang siya ay makalaya, nag-testify siya sa bagong buhay niya sa 700 Club, sa US National Prayer Breakfast, kay Chuck Colson na kilalalang evangelical leader, at sa iba’t ibang international audiences. Ang isinisulong niya noong panahon iyon ay non-violent campaign para ibalik ng demokrasya sa Pilipinas. Sinabi niya na hinihingi ng Diyos ang pag-aalay ng buhay niya para sa Pilipinas, kasama na ang posibilidad ng assasination o muling pagkakakulong kung babalik siya dito. Para bang alam niyang malapit na siya sa dulo ng kaniyang buhay. Ang taong ganun na magsalita ay walang kakayanan para humingi ng tulong sa Malaysian Prime Minister para sa violent na pagpapabagsak kay Marcos, kasi nasa international mode na siya of calling for non-violence in the fight for democracy.
Ang akin pong sources? Ang mga international newspaper accounts at journal article na nagreport at nag-analisa ng statement na officially delivered by Marcos sa 1977 ASEAN SUMMIT. Isinama ko rin dito ang istorya ni Professor Alvin Campomanes. Pati ang buo at spliced video ni Prof. Xiao Chua.
- https://www.scribd.com/document/353450164/Sabah-Claim
- https://heinonline.org/HOL/LandingPage?handle=hein.journals/philplj57&div=8&id=&page=
- https://www.upi.com/…/President…/7476446446800/
Article of Professor Alvin Campomanes: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=121084760347771&id=109727014816879
Full video of Xiao Chua: https://youtu.be/aZ4UG588jiM
Spliced version of Xiao Chua’s video circulating on FB: https://fb.watch/90p3LXqC-K/