JESUS IS LORD, BAKIT SUMASAMBA KA SA MGA PULITIKO?

By Maria Lourdes Sereno

Election Issues
Walang tao na maaaring ituring na hari sa Pilipinas. Ang Konstitusyon at Bibliya ay nagkakasundo sa bagay na ito.

Ang Konstitusyon ang nagbabalangkas ng tama at mali sa public life ng mga Pilipino, ng mga layunin ng taumbayan, at ng katungkulan ng mga lingkod-bayan na ipatupad ang mga ito. Ito ang ruling authority sa civil life bilang citizens na dapat sundin ng lahat.

Ngunit sino ang iniaangat ng mga religious leaders, hindi lang sa sermon tuwing Linggo, kundi maging sa pagbabawal nila sa kanilang mga miyembro na makilahok sa political life ng bansa, at pumuna ng kalabisan ng government officials? Hindi ba ang mga makapangyarihan sa lipunan, at ang masasama sa pamahalaan? Ginawa na nilang mistulang hari ang mga makapangyarihan sa pulitika at pamahalaan.

Hindi na kailangan ng college degree para maunawaan na ang pananahimik sa harap ng kasamaan ay pakiki-ayon dito. At kung galing ang pananahimik sa baluktot na paggamit ng ilang bible verses, malaki ang pananagutan ng mga nagpapakalat nito, hindi lang sa Diyos kundi pati sa taumbayan at kasaysayan. 

SHARE