The Power Structure of the Republic of the Philippines
Sa taas, ang Almighty God na hinihingan ng tulong ng taumbayan upang matupad ang ating mithiin na magkaroon ng isang “just and humane society.” Dahil ang sambayanang Pilipino ang pinakamataas na mortal power sa Pilipinas, ang tawag sa atin ay “Sovereign Filipino People.”
Ang kasunduan natin sa isa’t isa sa Konstitusyon ay sagrado–ANG MAHALIN NG TAPAT ANG BAYAN AT IPAGTANGGOL ITO. Ipinapangako rin natin sa isa’t isa ang pagpapahalaga lalo na sa maliliit at ang karapatang makibahagi sa lahat ng gawaing bayan. Ang mga values ng Justice, Truth, Love, Freedom, Equality and Peace ang sinaad nating kailangang mag-prevail sa Pilipinas. Ang usapan natin ay dapat may demokrasya at rule of law ang bansa, at independent tayo sa foreign power. Ang detalyadong mandato na palaganapin ang isang bayang may hustisya at makatao ay mababasa rin sa Konstitusyon.
Sagrado rin ang Konstitusyon pagkat ito ang instrument ng pagpigil sa kalabisan ng kapangyarihan ninuman. Malinaw dito ang mga limitasyon ng mga kapangyarihang pinapahiram lamang natin sa ating mga opisyales, kaya’t ang tawag sa kanila ay “public servants” hindi hari, hindi “human idols.” Tama naman yun, pagkat ayon sa Bibliya, ang sinumang nais mamuno ay kailangang manilbihan sa lahat.
Ginawa nating pantay-pantay ang tatlong pinakamahalagang sangay ng pamahalaan–ang Lehislatura (Kamara at Senado), and Ehekutibo (pinangungunahan ng Pangulo) at ang Hudikatura. Walang nakaaangat sa kanila. Sila ang magche-check sa pagmamalabis ng kapangyarihan ng isa’t isa. Maaari rin silang patalsikin ng taumbayan sa halalan, o tanggalin sa posisyon sa pamamagitan ng impeachment o iba pang mga proseso. May kaparusahan ang bawat kataksilan sa bayan ng mga opisyales.
Sa ilalim ng tatlong pantay-pantay na sangay ay ang mga ahensya na pinangalanan o pinapataguyod ng Konstitusyon. May kanya- kanyang unique roles ang mga ito sa pagpapalaganap ng mga goals ng Constitution.
Ang kapangyarihang hindi natin binigay sa sinuman ay nasa taumbayan pa rin. KAYA’T WALANG SINUMANG PILIPINO ANG MAAARING APIHIN. Ito ang garantiya ng Bill of Rights at iba pang parte ng Konstitusyon sa atin. Kaya’t kailangan nating ipagtanggol ito.