STATEMENT ON THE OCCASION OF SENATOR LEILA DELIMA'S BIRTHDAY

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno

It is not easy to draft a fitting message for Senator Leila de Lima, especially on her birthday. What does one say to a woman with manifold gifts and such fortitude, and yet has been so unfairly treated?

I had announced in my opinion, like four other Supreme Court justices, the absolute lack of evidence against her. That she has been incarcerated for three and a half years on the testimony of convicted criminals, contradicted by honorable witnesses who testified on her innocence, is an indictment against the justice system itself.

I have found it increasingly difficult to talk about her situation. In my eyes, hers is the most poignant case of twisted justice in recent times. It demonstrates the depth of some Filipinos’ capacity to be cruel to one of our own. It is agonizing, because the longer she is unjustly detained, the deeper the wounding of the Filipino soul, and the more putrid the stench of injustice in the land. And this causes me to face the question of our identity: how can we Filipinos call ourselves Christians when we gloat over the unjust killing of fellow Filipinos? And how can we gleefully applaud the arbitrary denial of a citizen’s right to liberty–especially when that citizen is a public servant whose supposed “fault” was to protect her fellow citizens’ right to life? If, as former Chair of the Commission on Human Rights, her search for accountability for the horrendous Davao murders was not the rightful pursuit of justice, then, heaven help us, what justice is left for the Filipino? If the murders turn out to have not taken place, we will all feel relieved; but by law and by everything that is right, she had the duty to investigate.

Philippine Constitution

Fellow Filipinos, fellow Christians, perhaps it is time for us to shelve political partisanship and answer a few questions for our consciences’ sake: Was it wrong for a government body that she headed to investigate thousands of killings that had allegedly taken place in one of the Philippines’ key cities? Was it wrong for De Lima as senator to ask for the investigation of the nightly killings that began in May 2016? Is it right for us to accept without scrutiny the stories submitted in evidence against her by convicted drug lords who contradicted each other? Is it right for Sen. de Lima to have been incarcerated without a single gram of narcotics or drug paraphernalia linked to her by any witness? Is it right that we howled with the Congressmen who jeered and leered at details of a private concern; and in so doing, did we not hit moral rock bottom?

I call on young people never to forget what evil politicians are capable of. They can weaponize the law to destroy personal lives, legitimize violations of the Constitution, delete the jobs of 11,000 media network personnel, and destabilize the democratic institutions that should protect us. Never forget Sen. de Lima, who remains steadfast in the face of persecution and continues to fight so that your generation may enjoy a freer, more just, and more democratic future.

For our country’s sake, commit to restore our people’s sense of what is right and just, study how to rebuild our democratic institutions, and above all, let us ask God to be with us.

Free Leila!

 


Tagalog Version

PALAYAIN SI LEILA

By Maria Lourdes Sereno

Hindi madaling magsulat ng isang mensahe para kay Sen. Leila de Lima, lalo na sa kaniyang kaarawan. Ano ang masasabi mo sa isang taong pinalad ng mabubuting katangian, nguni’t ginigipit ng ganun na lamang?
 
Sinabi ko noon sa aking opinyon, gaya ng apat na dati kong kapwa-husgado sa Korte Suprema, na walang ebidensya laban sa kanya. Tatlo’t kalahating taon na siyang nakakulong sa testimonya ng mga nahatulang drug lords, na pinabulaanan naman ng kapani-paniwalang mga kontra-testigo. Ito ay isang maitim na bahid sa sistema ng hustisya sa ating bansa.
 
Hirap akong pag-usapan ang sitwasyon ni Sen. De Lima. Sa akin, ito ang pinakamatingkad na ehemplo ng baluktot na hustisya sa ating panahon. Pinamumulat nito sa atin ang tindi ng kalupitan ng ilang Pilipino sa kaniyang kapwa. Napakahirap ng sitwasyon niya para sa ating lahat, pagkat habang tumatagal ang pagkakakulong niya, lalong humahapdi ang sugat sa kaluluwa ng mga Pilipino, at lalong umaalingasaw ang kabulukan ng pangkalahatang sistema. At napipilitan akong magtanong ng mga ganito: paano natin matatawag ang sarili nating mga Kristyano kung tayong mga Pilipino ay nagagalak sa di-makatarungang pagpatay ng mga kapwa-Pilipino? At paano natin kayang pumalakpak sa pagtanggal ng karapatang maging malaya ang kapwa natin, lalo na kung ang biktima ay public official na tumutugis sa mga kumikitil ng mga Karapatan ng ating kapwa? At kung iniisip natin, kung hindi pagbibigay ng hustisya ang hanapan ng kasagutan ang mga kahindik-hindik na patayan sa Davao, mahabaging langit, kaawaan mo kami; pagka’t ano pa ang nalalabing katarungan para sa aming mga Pilipino? Maaaring gawa-gawa lamang ang kwento tungkol sa mga patayan, at ikaluluwag ng dibdib natin kung gayon nga; ngunit ayon sa batas at sa tama, katungkulan ni Chairman De Lima ang mag-imbestiga.
 
Mga kababayan, kapwa Kristiyano, marahil panahon na upang isa-isantabi ang pagkakampi-kampihan sa mga personalidad sa pulitika at harapin ang ilang tanong upang mapanatag ang ating konsyensya: Mali ba na ang isang government body na pinangunahan ni De Lima ay mag-imbestiga tungkol sa higit sa isang libong naitalang patayan na nangyari sa isang lungsod? Mali ba na si De Lima, bilang senador, ay humingi ng imbestigasyon sa gabi-gabing patayan na nangyayari simula noong Mayo 2016? Tama ba na nilunok natin ng walang panunuri ang mga salu-salungat na kuwento ng mga druglords ukol sa kanya? Tama ba na makulong si Sen. De Lima nang wala ni isang gramo ng narkotiko o drug paraphernalia na naiugnay sa kanyang pagkatao? Tama ba na sumama tayo sa hiyawan ng mga kongresista habang nangangantiyaw sila ng mga kabastusan ukol sa mga bagay na pribado; at hindi ba natin naramdaman na sumadsad ang ating pagkatao sa burak ng kawalang moralidad?
 
Nananawagan ako sa mga kabataan na huwag kailanman kalimutan ang kakayanan ng masasamang pulitiko na mangwasak ng buhay at lipunan. Kaya nilang gamitin ang batas upang sirain ang isang indibidwal, tanggalan ng trabaho ang 11,000 sa media, gawing lehitimo ang paglabag sa Konstitusyon, at gawing inutil ang mga demokratikong institusyon na dapat nagtatanggol sa mamamayan. Huwag niyong kalimutan si Sen. De Lima na nananatiling matibay sa harap ng pang-aapi sa kanya upang ipaglaban ang isang kinabukasan na may katarungan at kalayaan.
 

Para sa ating Inang Bayan, ibalik sa puso ng mga Pilipino ang tamang pagkaunawa sa tama at mali, ibangon muli ang ating mga demokratikong institusyon,  at higit sa lahat, tumalima tayo sa Panginoong Diyos!

Palayain si Leila!

SHARE