Sabi sa Proverbs 17:15, “He who justifies the wicked is an abomination to the Lord.” At sa Isaiah 5:20, “Woe to those who call evil good!” Murder is a gross evil condemned in the Bible.
Sa June 14 request-report ng ICC Prosecutor, binanggit na may mga police officers na nagsabing: “Police did not kill just for money but also out of fear of themselves being included on watch lists of drug suspects, with some officials killed for not cooperating.” (paragraph 113, page 50, ICC’s Request for Authorization to Investigate the Philippine War on Drugs https://www.icc-cpi.int/Pages/record.aspx?docNo=ICC-01/21-7-Red)
Hindi ba dapat malaman ng publiko kung inutusan nga ng gobyerno ang paglabag sa commandment ng Diyos na “Thou shalt not Kill?” At kung totoo na yung mga pulis na ayaw gumawa ng “murder” ay ginantihan at yung iba ay pinatay pa ng mga nakatataas sa kanila?
Ito po ang hinihingi ng ICC Prosecutor, na imbestigahan kung iniutos nga o ginantimpalaan ang patayan ng libu-libong mga Pilipino sa War on Drugs.