KUNG HINDI PO NATIN NAPANSIN ANG DAMI NG FAKE VIDEOS TUNGKOL SA KASAYSAYAN NATIN, NAIS KO LANG PO I-SHARE ANG ILANG PERSONAL NA OBSERBASYON
By Maria Lourdes Sereno
September 27, 2021
Ang propesyon ko po dati, gaya ng kwento ko sa inyo, ay sa libro at pagtuturo ng batas, sa ilang mga international na kaso, sa pagpapatakbo ng Policy Center sa Asian Institute of Management, at sa Korte Suprema. Nagpatakbo din ako ng isang IT company na organized legal research ang output. Bagamat babad ako sa day to day life ng Pilipino dahil nanay ako, at sa isang small church, hindi ako nakasalimuha ng dark side ng IT. Yun pala, masyadong laganap na ang mga videos na nagpapakalat ng false information.
Assumption ko po, ang DepEd, ang PCGG, ang National Historical Commission, at iba pa, ay nakakapagpadaloy ng katotohanan buhat sa fruits ng labor nila, sa taumbayan, sa madla. Somehow, dahil reported naman sa dyaryo ang mga desisyon ng Korte Suprema at Sandiganbayan ukol sa pagnanakaw at pagpatay ng mga Marcoses at ng galamay nila, inakala ko na aabot ang mga ganitong findings sa kamalayan ng Pilipino. Hindi po pala nangyari iyon. O kung mayroon mang ganoon dati, nalusaw ang maraming makatotohanang kamalayan. Sa halip, ang napakain sa isipan ng taumbayan ay fake news na nakukuha sa mga YouTube, Tiktok at Facebook videos, na complete opposite ng findings ng responsible and credible institutions.
Wala namang nagpapakilala ni sinuman ng mga gumawa sa mga pekeng video na iyon tungkol sa:
1. Apaw-apaw na yaman ng mga Marcoses dahil sa allegedly mga manang lupa, at limpak-limpak na ginto nila (sinabi na ng Korte Suprema na walang mga ganitong sources of wealth ever naipakita sa lahat ng mga kaso nito);
2. Na kung maluluklok ang mga Marcoses, at mapapatupad ang “last will and testament” ni Ferdinand Marcos Sr. ay kaya na nating bayaran ang lahat ng mga utang ng Pilipinas (wala nga pong ganung lehitimong yaman except USD 300,00 lang ang mga Marcoses as of 1986);
3. Na si Ninoy ang nagtatag ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, Moro National Liberation Front at nagbenta ng Sabah sa Malaysia (super-fake po ito kahit sa anong lehitimong source pa i-check);
4. Na ang mga family members o NPA o si Joma Sison ang nagpapatay kay Ninoy Aquino (sabi po ng Sandiganbayan at Korte Suprema ang pumatay kay Ninoy ay mga sundalong kumuha sa kanya mula sa eroplano).
Dahil sa mga fake videos na ito, mukhang may mga nagsasabing nakilala na nila si Jesus, ngunit napopoot pa rin hanggang ngayon kay Ninoy Aquino. Maaari pong ayaw nilang pakinggan pati yung testimony ni Ninoy kay Pat Robertson sa 700 Club. Maaari ring kahit alam nila ang laman ng testimony na iyon ay rejected na nila ito kaagad, na si Ninoy ay nagpasakop sa Diyos at binigyan ng bagong buhay kay Hesus.
Parang wala pong talab sa kanila ang basic doctrines of redemption. Ibig sabihin po, may sectors ng Filipino Christian population na sobrang polluted with idolatry and hatred, na palagay ko na-build up ng fake news. Hindi ko pa po matanto kung may kasamang regionalistic pride yung pag-reject nila sa ideya na bagong nilalang na nga si Ninoy kay Kristo, kahit pa nagpatotoo si Ninoy sa international audience ni Pat Robertson sa 700 Club, kay Chuck Colson, at sa US National Prayer Breakfast.
Ibig sabihin po, kailangan ulit ma-establish sa puso nila na ang paghingi ng tawad para sa mga kasalanan at ang pagtatatag ng personal na relasyon sa Diyos Ama sa ngalan ni Kristo, ay para din sa mga taong hindi nila kaalyado, gaya ni Ninoy.
May malaking problema po tayo. Mukhang somewhere along the way, habang pinapalaganap ang Christian faith ng iba’t ibang churches, ay nahaluan ng makamandag na mga doktrina ng political hatred, na ang hindi kasapi o kaalyado ng mga admirers ng mga Marcoses ay dapat i-hate. At kung magpatotoo ang mga hated nila tungkol sa repentance at new life in Christ, dapat i-deny na totoo ang testimony ng mga kaaway, tawaging fake ito at continuously tuligsain ang life story ng kaaway nila.
Hindi po maliit ang problemang ito. Pumasok po, kasama ng Gospel of Salvation, ang idolatry of a political family. Kung ganun nga po, Gospel pa ba ni Kristo ito?
NINOY AQUINO’S INTERVIEW | THE 700 CLUB | June 1981
https://fb.watch/9RQOdn9mrR/
2019 US NATIONAL PRAYER BREAKFAST where the keynote speaker spoke of the global impact of NINOY AQUINO’S faith in God
https://fb.watch/9RQ-0MYBve/