KAILAN MALI ANG "FORGIVE AND FORGET"

By Maria Lourdes Sereno

Integral Faith
  1. Ang pagnanakaw sa kaban ng bayan (ill-gotten wealth) ay hindi kasalanan sa mga indibidwal na Kristiyano bilang Kristiyano, kundi sa Republic of the Philippines, the corporate entity trying to recover the ill-gotten wealth; the People of the Philippines whose criminal laws were violated; ang mga mahihirap na napagkaitan ng benefits of the money that was stolen; and the taxpayers who will continue to shoulder the loans that the Marcos government incurred dahil nilimas niya ang treasury ng bayan.
  2. At dahil hindi lang po ang ilang individuals ang injured party sa malawakang pagnanakaw na nangyari, huwag po tayong presumptuous na nasa atin ang decision to forgive on behalf of everybody, na okay lang na na-deprive ang mahihirap o okay lang na hanggang ngayon kargo pa rin ng mga young taxpayers ang utang during the Marcoses’ time. Wala po sa atin ang desisyong iyan, kasi hindi naman tayo lang ang injured, maraming marami pa, hindi lang tayo.
  3. Kapag pinipigilan niyo ang mga taong humihingi ng accountability sa mga magnanakaw o holders of ill-gotten wealth, kayo ay enabler in “the works of wickedness.” Ayaw na ayaw ni Lord ang pagnanakaw. Ang words na ginagamit Niya: “I, the Lord, love justice, I hate robbery, and every wrongdoing” (Isaiah 61:8). Kapag kayo ay pumanig sa magnanakaw ay nakikibahagi kayo sa kaniyang gawain. Ano ang sabi pa ni Isaiah sa Isaiah 1:17: “Learn to do good, Seek justice, Rebuke the oppressor.”
  4. Sa Leviticus 6:1-7, malinaw ang requirements sa mga may hawak ng nakaw na yaman: (a) Isauli ang ninakaw na yaman, (b) dagdagan ng 1/4 dahil pinagkait nila sa tunay na may-ari, at (c) humingi ng tawad. May humingi na po ba ng tawad? Eh bakit hindi niyo ni-rerebuke ang dapat humingi ng tawad, bagkus pinagagalitan niyo pa ang mga gustong ituwid ang mali?
  5. Naalala niyo po ba si Zaccheus? Kung may malasakit kayo sa ipinagtatanggol ninyong pulitiko, the best thing you can tell him is to do what Zaccheus did, return the stolen money (Luke 19:1-10).

Tandaan po natin na si Jesus was always on the side of the oppressed, rebuking those who take advantage of their power.

Ngayon, mga kapatid, it pains me to do this, but I have to. May God have mercy on you, mga kapatid, kung kayo ang nangre-rebuke at nagpapatahimik at nagpapagalit sa mga kapatid nating humihingi ng katotohanan, at ang pagpapasauli ng nakaw na yaman. I have to do this because I love you. And if I know you personally, I will deliver the same message—please, do not, out of our love for Christ prevent the good work that God is doing in our country, kung saan ginigising Niya ang mga konsensya ng mga anak Niya, binibigyan sila ng tapang at boses para gawin ang tama.

At ano ang tama? Ang hingin na ibalik ang mga nakaw na yaman sa kaban ng bayan. At ipaalala na humingi ng tawad ang mga nagnakaw, lalo na ng napakalalaking halaga.

Mga kapatid, ibukas niyo ang inyong mga mata. Tatlong final decisions na ng Supreme Court ang nagsabing nagnakaw ang mag-asawang Ferdinand at Imelda Marcos sa bayan. At ang mga nakaw na yaman na iyan ay pilit na inaangking lehitimo at kanila daw ayon kay Gng. Imelda at ng tatlong anak niya kasama si Bongbong. Ito po ang exact words ng Supreme Court:

“The joint income tax returns of Ferdinand and Imelda Marcos cannot, therefore, conceal the skeletons of their kleptocracy.”

Ano po ang eternal implication ng inyong pagre-rebuke sa mga taong ang gusto lamang naman ay manaig ang tama? For the love of Christ, pag-isipan niyo pong mabuti.

 

Nagmamahal,

Inyong kapatid, Meilou

SHARE