BAKIT KAILANGANG UNAWAAIN ANG NAKARAAN?
By Maria Lourdes Sereno
Para hindi na maulit ang mga malalaking pagkakamali sa ating bayan.
Binigyan tayo ng magagandang pagkakataon ng Diyos:
1. Na makilala Siya sa pamamagitan ng Kanyang anak na si Hesus — magpasakop sa Kanya, makaugnayan Siya, at mabuhay tayo na punong-puno ng kabutihan at pag-asa mula sa Kanya, hindi lamang sa kabilang-buhay, kundi pati sa pang-ngayon;
2. Na mabasa ang Salita Niya at sundin ang mga ito, hindi lamang sa mga pribadong aspeto ng ating buhay, kundi pati sa pagbuo ng ating mga institusyon at sa paraan ng pamamahala sa lipunan;
3. Na sumunod sa yapak ng ating mga ninunong bayani, na hindi inaalala ang magsakripisyo para sa kalayaan ng mga Pilipino laban sa mga dayuhan;
4. Na magtatag ng pinakaunang constitutional democratic government sa pamamagitan ng Malolos constitution;
5. Na matuto sa ating mga manunulat na bayani gaya ni Jose Rizal, Andres Bonifacio at Apolinario Mabini sa mga elemento ng pagtatatag ng character at kakayahan ng mga Pilipino na kailangan sa pagbubuo ng isang tunay na mapagpalingap na bansa, lalo na ang mga long-term elements na kailangang i-develop gaya ng edukasyon at mapagpalayang pag-iisip;
6. Na maunawaan ang mga institutional requirements ng isang modern democracy—na may pagkakapantay-pantay ang mga Pilipino sa exposure natin sa modern democracies ng iba’t ibang bansa, at sa pagbibigay sa atin ng 1987 Constitution na compatible sa ating pagkaunawa sa sarili natin bilang God-conscious, at community and family-oriented;
7. Na gulatin at pahangain ang buong mundo—na kumikilos sa kalagitnaan natin ang Diyos, nang pumalakpak ito sa first bloodless People Power revolution in history noong 1986;
8. Na maging appreciated sa buong mundo for our talents and skills kahit takang-taka sila kung bakit from the mid-1970’s onwards, bumulusok na tayo pababa economically except for a short period of time in the previous decade;
At dahil sa mga opportunities na hindi natin na-exploit for our full advantage as a people, we must review and learn anew the lessons of the past. Sa Bible, sobrang importante ang “memorial stones” so that the people of God would not forget the lessons of the past. Pag-uusapan natin ito further much later.
Anong sabi nila: “Kung hindi natin maaalala ang nakaraan, ay condemned na tayo na maulit ito.” (Those who do not learn history are doomed to repeat it. – attributed to philosopher George Santayana)