PAANO KAYA NANGYARI ANG EDSA PEOPLE POWER?

Philippine History
Nagsimula ang EDSA People Power nang nabisto ni Marcos ang plano nina Juan Ponce Enrile na kaniyang Ministro ng National Defense at Col. Gringo Honasan na magsasagawa sila ng military coup laban kay Marcos. Kasama dito ang planong iligpit ang pamilya ni Marcos, lulusubin ng mga military rebels ang pamilya sa mismong mga bedrooms nila. Tatlong taong pinagplaplanuhan ito ni Enrile at Honasan. Ngunit nang nabisto ito, nagdesisyon si Enrile na ang best negotiating position nila ay mag-hold out sa Camp Aguinaldo at harapin ang pwersa ni Marcos.
 
 
 
Tinawagan rin ni Enrile si Gen. Fidel Ramos, ang number 2 in command ng Armed Forces of the Philippines at hepe ng Integrated National Police. Alam ni Enrile na hindi masaya si Ramos sa pamumuno ni Marcos kahit second cousin ni Ramos si Marcos. Nagdesisyon si Ramos na sumama kina Enrile. At nagdeklara sila ng open rebellion kay Pangulong Marcos. Ang binigay na dahilan ni Enrile: ang masamang pamumuno ni Marcos at ang pandaraya nito sa 1986 snap presidential election. Ibig sabihin ng akusasyon niya ng pandaraya ni Marcos, si Cory ang totoong nanalo sa election. Ayon kay Enrile, sa isang press conference na reported ng Asiaweek, dinaya ni Marcos si Cory Aquino gamit ang vote-padding; ginawa niyang halimbawa ang kaniyang rehiyon na Cagayan Valley, kung saan ayon kay Enrile, dinagdagan nila ng 350,000 votes para ipanalo si Marcos.
 
Nang nabisto itong plano ni Enrile noong February 22, 1986, wala sa eksena sina Cardinal Sin o Cory Aquino. Kasi nga, ang plano ay pure violent military take-over ng grupo ni Enrile at Honasan sa kapangyarihan at ang pag-eliminate ng Marcos family. Ang plano nila, military junta ang magpapatakbo ng gobyerno. Ngunit nang nabisto, naging survival na lang ang plano ni Enrile hoping na magkakaroon sila ng strategic hold-out position para kahit papaano makalusot sa pagbwelta ni Marcos. Inamin ni Enrile later na hindi pala nila kayang lusubin ang Malacanang dahil nga nabisto na sila nang maaga at naghanda na ang Malacanang kung sakaling lumusob sila.
 
At dahil cornered na sila, ginawa nila anuman ang kailangan para mabuhay. Tinawagan nila si Jaime Cardinal Sin at humingi ng tulong sa mga tao. Ayon kay Jaime Cardinal Sin, sinabi nila na kung hindi sila tutulungan, they (Enrile and his team) will all be dead. At tumugon si Cardinal Sin: nanawagan siya sa mga civilians na pumunta sa Camp Aguinaldo, Camp Crame at EDSA upang protektahan sina Enrile, Honasan at Ramos. Humingi rin ng panalangin ang grupo nila Enrile, at sinasabi ng mga nag-report noon na halata ang matinding takot ni Enrile.
 
Pumunta nga ang napakaraming tao, milyon-milyon ayon sa mga nag-uulat. Lumuhod sila sa kalye sa panalangin. Nag-pray over ang iba’ibang religious sectors para kina Enrile at Ramos. At nag-survive sila ng unang gabi na hindi inatake ng mga puwersa ni Marcos. Nag-demand lang over the television si Marcos at ang mga opisyal niya, na mag-surrender na ang mga nag-mutiny. Totoo ngang hindi plano ni Enrile na mai-involve ang taumbayan sa EDSA, kasi ang gusto lang niya ang military lang ang makakakuha ng kapangyarihan mula sa mga Marcos, at hindi sa isang demokratikong bayan. Ngunit ang nangyari, ang taumbayan ang willing na ilatag ang kaligtasan nila upang mabuhay si Enrile.
 
Sa pangalawang araw ng rebolusyon, lalong dumami ang mga tao. At dumating na ang mga tangke de giyera at high-powered firearms na pinadala ni Marcos. Patuloy na prinotektahan ng mga tao ang military rebels. Hinarang nila ang mga tangke gamit ang kanilang mga katawan. Nakipag-usap ang taumbayan sa mga commanders at ordinary soldiers. Natuwa rin ang tao nang nag-defect na ang Air Force, sa halip na na bombahin ang posisyon ng mga rebelde sa Camp Crame, kung saan lumipat na ang mga rebelde, ay sumama pa ang Air Force sa kanila.
 
Bagamat nagmakaawa ang mga tao sa mga military commanders, sinabihan sila ng mga commanders na wala silang magagawa kundi sundin ang malinaw na utos ng Malacanang na tuluy-tuloy nilang lusubin ang mga military rebel forces, kaya’t dapat daw maunawaan ng mga tao na mapapahamak sila. Nangamba ang mga tao na itutuloy nga ang pagsalakay at papuputukin ang mga howitzer cannons, armalite at iba pang high-powered firearms, at papaandarin ang mga tangke kahit pa ikasawi nila o ikadurog ng mga taong nakaluhod o nakahiga na sa kalye para harangin ang mga tangke. Ano ang pangsalag ng mga civilians? Katawan at buhay, bulaklak para sa mga sundalo, at pagluhod sa panalangin.
 
Sa video po maririnig ang pakiusap ng mga tao, ang sagot ng commander, at ang malinaw na pagkakaintindi ng mga tao na maaaring ikamatay nila ang mga susunod na hakbangin ng militar, ngunit hindi pa rin umatras ang taumbayan.
 
Nagbago ang isip ng mga commanders ng tangke at iniatras ang ito. Dalawang commanders ang nag-testigo na binigyan sila ng utos na sumugod kahit pa ikapahamak ito ng mga tao.
 
Malinaw kay Marine Commander Gen. Artemio Tadiar at Col. Braulio Balbas Jr. na ang magkahiwalay na utos sa kanilang pareho, ay lumusob sa mga nasa Camp Crame, kahit pa ikapahamak ito ng mga civilians. Confirmed ito ni Gen. Fabian Ver kay Gen. Tadiar na ang utos na lumusob, o ang nagbigay ng “kill order, kahit na napakaraming civilians ang mapapahamak, ay galing mismo kay Marcos.
 
Narito din ang kwento ni Gen. Ramon Farolan sa official report ni Col. Balbas, na makailang beses inutusan ng Malacanang si Balbas na lumusob sa Camp Crame kahit na pinapaliwanag na niya na maraming civilians ang masasaktan. At nung bumalik nga si Balbas sa Fort Bonifacio ay tinanggalan siya ng command ng marine batallion niya. Ibig sabihin, pinarusahan siya sa pagsuway sa utos ng Malacanang.
 
Sa Official Gazette, mababasa rin ang official report ng utos ni Marcos na “kill order”, ibig sabihin, sumugod sa mga rebel forces sa Camp Crame kahit masaktan pa ang mga civilians.
 

Nang nagbigay si Marcos ng televised order na huwag saktan ang mga civilians, makailang beses na munang na-itransmit ang binigay niyang “kill order.” Makailang beses na ring hindi sinunod ng mga ground commanders ang “kill order” na ito. By that time, marami na rin ang mga nag-defect na air at ground forces laban kay Marcos. Taliwas ito sa sinasabing nagmalasakit si Ferdinand Marcos para hindi masaktan ang mga nasa EDSA.

 
Kung pagbabasehan ang time sequence, parang pang-international PR lang ang video ni Marcos na huwag saktan ang civilians. At that time, nagwa-warning na ang US for Marcos to avoid the bloodshed of civilians. Pero at that time, several times nang naitransmit ang validated “kill order” ni Marcos sa ground commanders. Sa military, itong specific direct order ang genuine, at hindi ang general pang-telebisyon na statement.
 
At dahil ayaw na ngang sundin ng Marines, ng Navy at ng Air Force si Marcos, at sumanib na sila sa taumbayan, ang pagtakas mula sa Malacanang ang best option para sa mga Marcos. Nagbabadya na ang pagbagsak ng kaniyang pamahalaan. Noong umalis ang mga Marcos sa Malacanang, si Imee Marcos-Manotoc ay 30 years old, si Bongbong ay 28 years old, at si Irene Marcos-Araneta ay 25 years old.
 
Ang pag-utas sa buhay ng mga Marcos ang plano nina Enrile at Honasan. Kung natuloy ang original plan nila, siguradong dadanak ang dugo. Kumilos ang Diyos upang pigilan sina Enrile at ang kanyang grupo sa madugo nilang balak. Lumabas ang taumbayan sa kalye para protektahan sila, at nakaalis nang ligtas ang pamilya Marcos. Walang dumanak na dugo.
 
Sinong mag-aakala na ang paglatag ng taumbayan ng kanilang buhay para iligtas sina Enrile, Honasan, Ramos at ang mga sundalong kaanib nila, ay magliligtas sa bayan mula sa diktadura? Paano nangyari ang ganitong mga paghahanay ng mga timeline at events, at pagpapalit ng isip ng mga tao, kundi mayroong Diyos na kayang magbago ng isip ng mga Pilipino–mula sa pagiging takot sa diktadurya, naging napakatapang na taumbayan na handang ialay ang sarili para sa katotohan, kabutihan, at katarungan. Sa panahong iyon, kitang-kita, na ang prayer ng mga Pilipino ay para sa isang milagro mula sa Diyos. Gaya nga ng sabi sa Proverbs 21:1: “Ang puso ng hari (at ng mga tao) ay nasa kamay ng Panginoon na parang daluyan ng tubig: kumikiling ito saan man ng Panginoon ibigin.”
 
Maraming salamat po.
 
🎥 Excerpts from “Coup d’Etat: The Philippines Revolt – 1986”
Australian television documentary that describes the four days of nonviolent military revolt that saw the ouster of the Dictator President Ferdinand Marcos from the Philippines.
 
🔍The Fall of the Dictatorship
The Official Gazette
 
Music:Thunderdog
Musician:Robert Ruth
Album:Robert Ruth Source:https://www.vcg.com/

RELATED ARTICLES:

REMEMBER WHEN MARCOS’ GENERALS WHO WERE ORDERED TO SHOOT AT THE PEOPLE INSTEAD TURNED THEIR BACKS ON THE MARCOSES AND SIDED WITH THE PEOPLE IN 1986?

REMEMBER WHEN MARCOS’ GENERALS WHO WERE ORDERED TO SHOOT AT THE PEOPLE INSTEAD TURNED THEIR BACKS ON THE MARCOSES AND SIDED WITH THE PEOPLE IN 1986? | TugmaLahat

HINDI PO UTANG NA LOOB KAY PANGULONG MARCOS ANG BUHAY NG MGA PILIPINO

HINDI PO UTANG NA LOOB KAY PANGULONG MARCOS ANG BUHAY NG MGA PILIPINO | TugmaLahat

PAANO PINILIPIT NI PANGULONG FERDINAND MARCOS, SR. ANG KASO UKOL SA PAGPASLANG KAY DATING SENADOR NINOY AQUINO NOONG AGOSTO 21,1983?

PAANO PINILIPIT NI PANGULONG FERDINAND MARCOS, SR. ANG KASO UKOL SA PAGPASLANG KAY DATING SENADOR NINOY AQUINO NOONG AGOSTO 21,1983? | TugmaLahat

BAKIT KAILANGANG UNAWAAIN ANG NAKARAAN?

BAKIT KAILANGANG UNAWAIN ANG NAKARAAN? | TugmaLahat

LISTAHAN NG 11,103 GOVERNMENT-CERTIFIED MARTIAL LAW VICTIMS

LISTAHAN NG 11,103 GOVERNMENT-CERTIFIED MARTIAL LAW VICTIMS | TugmaLahat

SHARE