WALANG DISTINCTION ANG PRIVATE SPENDING NG PUBLIC OFFICIAL SA REQUIREMENT NG KONSTITUSYON NA LAHAT PO NG GOVERNMENT OFFICIALS AY KAILANGANG MAG-LEAD NG "MODEST LIVES"

By Maria Lourdes Sereno

Maria Lourdes Sereno
Bakit po may ganyang restriction ang Konstitusyon?

▪Unang-una po, upang malayo sa tukso ng pangungurakot. Garbo ka sa pamumuhay, saan mo kinuha ang pinanggastos mo?

▪Pangalawa, upang huwag mag-isip ang taumbayan na nagnanakaw nga ang government official at mawalan ng kumpiyansa sa pamahalaan.

▪Pangatlo, upang mag-set ng tamang halimbawa.

Naging uso na ang napakamahal na mga celebrations ng mga government officials. Nang pumasok sila sa government service, dapat ay inihanda na nila ang sarili sa pagpapakita ng malasakit sa mga kababayan sa lahat ng oras, lalung-lalo na sa mga panahon ng sakuna, pandemya o paghihirap.

Kaya nga’t kung ang paggastos ng isang opisyales ay hindi kayang ipaliwanag sa kanyang lehitimong kinikita sa pamahalaan at passive income niya (minana, rentas sa mga paupahan), mayroong mga legal “red flags” o palatandaan na baka may pangungulimbat na nangyayari.

Hindi royalty ang public service. Ang mahilig sa glamorosong buhay ay hindi bagay sa serbisyo publiko.
SHARE