TOO MUCH ANG PAGKAABALA NATIN SA WESTERN (AMERICAN EVANGELICAL) CHRISTIAN TEACHINGS

By Maria Lourdes Sereno

Integral Faith

Nasobrahan po tayo ng pag-absorb ng Western, largely American evangelical, teachings. Dahil po doon, hindi natin napansin that the Americans and Europeans have a functioning justice system. May gaps po ang systems nila, pero sa pangkalahatan, may pagkakataon na patunayan ang katotohanan ng nag-aakusa at inaakusahan.

Hindi po ganun sa Pilipinas. Ang pinakamahahalagang haligi ng katarungan ay hindi pa naitatatag. At ang extreme poverty ay naririto pa rin sa ating paligid. Poverty na dulot ng corruption.

Kaya’t repasuhin natin ulit ang Bibliya. Magsimula tayo sa mga katuruang attributed kay Jesus mismo–na ang konteksto ay panahon nila under the Roman colonization of Judah and Israel. And with many references to the Old Testament. Then let’s proceed to understand how the first set of Jesus’ believers lived out their faith. Mula po sa ganung punto de vista, mas maaaninag natin kung paano dapat tayo mangusap sa pangangailangan ng panahon, ayon sa Gospel.

Ang American evangelicalism ay maraming features na hindi akma sa kulturang Pilipino. Marami po sa Amerikano ay busog at may nasisilungan na magandang bahay. May mabilis na internet, cable TV at lahat puede mag online shopping. Ang minimum wage nila ay parang jackpot na sa ordinaryong pamilya dito. Kaya’t ang mga mensahe nila sa pulpito ay hindi ina-address ang kagutuman, kakulangan ng edukasyon, at oportunidad.

May malalalim na mga pangangailangan at sugat ang pusong Pilipino. Iyon po siguro ang dapat nating tugunan, kasi si Kristo po, kung ano ang konteksto ng kausap Niya, doon siya poposisyon at nangungusap. 

SHARE