SUNDAY REFLECTIONS:

Tama ba na sabihing walang responsibilidad ang anak sa nakaw na yaman ng kanyang tatay na nae-enjoy niya?

By Maria Lourdes Sereno

Integral Faith

Ito po ang rebuke ng scriptures sa nagsasabing ang pagnanakaw ng ama ay hindi kasalanan ng anak, kaya’t okay daw na iluklok ang anak sa kapangyarihan:

Basahin ang Leviticus 6:1-7:

Sinabi pa ni Yahweh kay Moises, “Nagkakasala ang sinumang magkaila tungkol sa isang bagay na inihabilin sa kanya, ang sumira sa kasunduan, ang magnakaw o magsamantala sa kapwa at ang mag-angkin ng isang bagay na napulot at manumpang iyon ay wala sa kanya. Babayaran niya ang kanyang ninakaw, o anumang napulot o inihabilin na inangkin niya. Ibabalik niya ang alin man sa mga ito at daragdagan pa niya ito ng ikalimang bahagi ng halaga niyon sa araw na maghandog siya para sa kasalanan.”

Sinunod ba ng anak ang kautusan ng Bibliya ukol sa nakaw na yaman ng ama? Ito ang utos ng Diyos sa bagay na ito:

  1. ingatan at ibalik ang mga ipinaingat lamang sa iyo na bagay;
  2. kung napasa-iyo ito dahil natagpuan mo lamang, huwag ikubli ang pinanggalingan, ipagtanong at ibalik ang bagay na iyon;
  3. huwag mangikil o magnakaw;
  4. ibalik ang lahat ng hindi sa iyo;
  5. dagdag kasalanan ang magsinungaling ukol sa pag-aari o pinanggalingan ng yaman na hindi sa iyo.

 

Ayon sa verses na iyan, ibalik daw ang ninakaw, at dagdagan ng 1/5 ng halaga ng ninakaw, at mag-alay ng sin offering kasama ng pagbabalik kasama na ang penalty na 1/5 ng value ng ninakaw.

Sa Bible po, ang pagtatago ng NAKAW NA YAMAN, at ang PAGNANAKAW, ay parehong malaking kasalanan.

Bakit hindi niyo kinukundena ang pagnanakaw? Bakit hindi niyo sinasabihang isauli ang ninakaw ng ama, sa halip ay nagja-justify pa kayo sa paghawak niya sa NAKAW NA YAMAN? Bakit doon pa kayo nagagalit sa mga Pilipino na nagsasabing ibalik ng mga pulitiko sa taumbayan ang kanilang ninakaw? Sa mga nagsusulong na sundin ang Bible, doon pa talaga kayo nagngingitngit?

Bakit niyo po ipinipilit ang usapin ng forgiveness para sa taong hindi pa sumusunod sa Bible na isauli ang nakaw na yaman ng kanilang pamilya? Opo, ang Diyos ay loving and forgiving, but He is also just. Hindi natin pwedeng tapyasin ang isang bahagi ng character Niya para lamang umayon sa baluktot nating katwiran. Sino po ba ang Diyos na ipinapakilala niyo sa mga tao? Siya ba ay ang Diyos ng Bibliya?

Walang excuse ang pag-justify ng pagnanakaw at ang paghawak o pagtatago ng mga ito. Lalo na kung ginagamit pa ito para makabalik ulit sila sa kapangyarihan sa gobyerno.
Integral Faith
SHARE